DALAGA 60❀

10.7K 1.2K 4.6K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MALUMANAY na ang kantang tumutugtog na kanta, wala na ang hiyawan at ingay ng kasiyahan ng mga tao. Lumalalim na rin kasi ang gabi at mas mainam na namnamin ang ingay ng hampas ng alon sa dalampasigan.

Nakaupo kami sa buhanginan habang pilit na inaabot ng alon ang aming mga paa, parehas kaming nakatingala at pinagmamasdan ang porselanang bilog na buwan, pati ang mga palamuti sa langit na nagniningning na bahagyang tinatakpan ng itim na manipis na ulap.

"So, it's really over for us, huh," dinig kong sabi niya kaya napako ang tingin ko sa aking katabi na nakatingala pa rin sa langit. "Time really flies fast; it feels like still yesterday when we met at a beach."

Natatandaan ko pa rin ang araw na tinutukoy ni Quentin. Seventh birthday ko, kasama ko sina Mamang at Papang, sa dagat sa probinsya naganap ang selebrasyon kasama ang iba pa naming mga kamag-anak na ngayon ay hindi ko na matandaan. Iyon 'yung araw na natagpuan ko ang isang batang umiiyak sa may dalampasigan.

"And now we're here, ten years later," sabi niya ulit saka sumulyap sa'kin. "I just found it romantic na dito rin sa may dagat magtatapos ang sa'ting dalawa." Kahit nakangiti siya'y hindi ko makita ang palaging kinang sa mga mata niya.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko at saka umiling sa kanya. "Hindi pa nagtatapos, Q. Huwag mong isipin 'yon, 'di ba sinabi ko sa'yo na nandito pa rin ako?"

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa kaya napalitan ng pagtataka ang itsura ko. "Sorry, I just feel like I needed to say that. It's perfect."

"Huh?" Nanlaki bigla ang mga mata ko. "Huwag mong sabihing umaarte ka?"

"I'm not a theatre kid for nothing," nakangiting sabi niya kaya naman hinampas ko siya sa braso. "Ouch!"

"Akala ko pa naman seryoso ka!" Medyo kinabahan ako ro'n kasi akala ko may dinaramdam pa rin siya, 'yun pala ay trip niya lang umarte dahil napakaganda nga naman ng senaryo namin. "Alam mo may future ka sa pagsulat ng script, maging writer ka kaya?"

Umiling siya. "I'm not like Corra but I'm still interested in acting. Baka i-pursue ko ang filmmaking," sabi niya. Oo nga pala, hindi naman malayo 'yon dahil Multimedia Arts ang course niya. "'Tapos ikaw ang kukunin kong artista sa una kong pelikula." Walang bahid ng himig ng pagbibiro 'yung boses niya kaya kumunot ako.

"Naku, baka malugi ang una mong pelikula niyan," sagot ko naman saka natawa. "Nakalimutan ko nang umarte." Halos nakalimutan ko na nga rin na minsan akong naging bahaga ng Drama Club noong high school.

"Why? I think you're great at acting," sabi niya. "Remember? Hindi ka magiging lead actress noon kung wala kang potential."

Napailing ako. "Swerte lang siguro 'yon." Sa totoo lang ay marami namang masasayang alaala noong mga panahon na 'yon lalo pa't kasama ko pa noon sila Aiza, Burma, at Honey. Pero may iba kasing pinapaalala sa'kin ang pag-arte sa teatro.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon