DALAGA 27❀

15K 1.8K 3.7K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HINDI ako makatulog.

Paano ako makakatulog kung napakadaming bagay na bumabagabag sa isip ko. Hays. Nakailang ikot na ba ako sa kama at hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok.

Pakiramdam ko napakadaming nangyari sa loob lang ng ilang araw. Patuloy pa rin akong inuusig ng kunsensya na sabihin kay Mamang ang mga nalaman namin—tungkol kay Detdet. Pero naisip ko na wala nang magbabago pa kahit na ipagkalat ko ang totoo, hindi pa rin naman na maibabalik ang buhay ng kalaro namin.

Idagdag pa 'yung nakakalitong sinabi ng daddy ni Miggy sa'kin. Marry daw? Ikasal daw sa anak niya balang araw? Kami ni Miggy? Bakit? Hindi ko rin sinabi 'yon kay Mamang, ayokong malaman kung anong magiging reaksyon niya. Pero dahil kilala ko si Mamang, baka mamaya pumayag pa 'yun.

Biglang tumulo 'yung luha sa pisngi ko. Huh? Bakit ako umiiyak?

Ah, oo nga pala, kasi sa susunod na mga araw, aalis na ulit sila Miggy.

Bukas magkakaroon ulit ng party, isang despidida o selebrasyon sa mansion nila Miggy. Hindi ko maiwasang malungkot siyempre, kung kailan na-attach na ulit ako na magkakasama kaming tatlo nila Poknat tuwing uwian, hindi man kami naglalaro katulad dati, pero pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Pakiramdam ko bumalik 'yung panahong napakasimple lang ng lahat.

"Talaga?! Invited kami?!" hindi mapigilang bulalas ni Aiza nang sabihin ko sa kanila ngayong uwian na imbitado rin sila sa despedida party kila Miggy.

"Oo—"

"Mingminggggg!" sabay-sabay kaming napalingon at nakita si Poknat na kumakaway-kaway sa'min habang papalapit, kasama niya rin ang mga kaibigan niyang sila Ramsey, Colt, at Veji.

"OMG, kasama rin kayo?!" excited na tanong ni Burma nang makalapit sila.

"Siyempre naman," sagot ni Poknat sabay tingin sa'kin "Arat na! Tomguts na 'ko at for sure madaming masasarap na pagkain do'n!" hindi naman halatang excited din si Poknat, panigurado dahil sa pagkain 'yon, ang takaw niya eh.

Sabay-sabay kaming nagcommute papunta sa lugar namin. Hindi ko naman palagi nakukwento si Miggy kila Aiza kaya iniimagine ko na kung anong magiging reaksyon nila pag nakita nila si Miggy.

Behave na behave kami na parang mga elementary students nang makapasok kami sa loob ng mansion nila Miggy. Ang dami rin kasing matatandang bisita, medyo maingay at ang daming taong nagkakagulo sa may buffet, dito pa lang sa entrada ay naamoy na namin ang masarap na handa.

"Kain na tayo—" sabi ni Poknat na akmang pupunta sa may buffet table pero pinigilan ko siya.

"Hintayin muna natin si Miggy," sabi ko. Siyang dating naman ng taong tinutukoy ko.

"Nandiyan na pala kayo," nakangiting salubong sa'mi ni Miggy na naka-all white at as usual ay preskong presko. "You, guys, must be Remison and Ezequiel's friends."

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon