DALAGA 85❀

5.7K 781 2.9K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


WALANG imposible pagdating sa pag-ibig, naniniwala ako ro'n nang maisip ko 'yon. Kaya naman hindi ko nagawang kontrahin ang sinabi ni Miggy sa'kin, na sa loob ng maraming taon kong pagkakahimbing ay natutunan niya akong mahalin.

Hindi man makakaila pero tiyak kong nagsimula 'yon sa dahil sa kunsensya niya, pakiramdam niya'y kasalanan niya kung bakit ako naaksidente. Ang sunod naman ay dahil sa awa, lahat naman 'ata'y maaawa sa kinalalagyan ko ngayon.

Lumubog na ang araw at muli kong natagpuan ang aking sarili rito sa silid. Dumagdag pa ang malamig na klima sa bigat na nararamdaman ko—na mukhang hindi na mapapawi.

Habang nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana ay paulit-ulit kong binabalikan sa'king isip ang naging pag-uusap namin ni Miggy. Si Miggy na handa raw bitawan ang lahat para sa'kin. Parang gusto niya lang ulitin kung anong ginawa ko noon kaya hindi ako kumbinsido. Tinanggihan ko siya.

Sa kadahilanang wala nang saysay ang balak niyang takasan ang lahat para lang umusad. At pangalawa'y hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya. Iisang tao lang ang tinitibok nitong puso ko, 'yung taong parang noong isang araw lang ay kapiling at kayakap ko.

"We can leave everything behind, Remi. Kung gusto mo bumalik sa Pilipinas, just tell me." Hindi ko alam kung desperado na ba si Miggy kaya hindi ko maintindihan. Pero pakiramdam ko noong mga oras na 'yon ay iyon na lang ang pagkakataong binibigay niya sa'kin at hindi niya na muling uulitin pang alukin ko.

Sa huli ay tinanggihan ko pa rin siya. Dahil nga alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawang kalimutan ang lahat at sumama sa kanya ng gano'n na lang. Matalino si Miggy, alam kong alam niyang imposible ang kagustuhan niya pero sinubukan niya pa rin.

Kung tutuusin ay pwedeng-pwede ko siyang lokohin, 'yung pumayag ako sa gusto niya, at kapag nasa Pilipinas na kami'y saka ko siya tatakbuhan.

Pero ayoko. Hindi sa gano'ng paraan. Ayoko nang tumakas katulad nang ginawa ko noon. Siguro nga isa 'tong parusa mula sa Maykapal, dahil naging makasarili ako. Kaso... Bakit naman ganito?

Bigla ko tuloy naisip ang isa pang dahilan kung bakit naging desperado si Miggy kanina, maaaring nakikita niya ang pagkakaparehas naming dalawa, na halos kontrolin ng ibang tao ang aming mga buhay. Kaya nga siguro siya umalis sa puder ng ama niya. Sinusubukan ka niya sigurong iligtas, kaya ka niya minahal, pakiramdam ni Miggy iyon ang misyon niya. Kaya ba sa loob ng isang dekada'y hindi niya ako kinalimutan?

Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Ni hindi pa nga ako kumakain ng hapunan pero dinadalaw na ako ng antok. Wala naman akong ginawa buong araw pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Sunod-sunod na tatlong katok ang narinig ko. Makaraan ng ilang sandali'y pumasok sa loob si Ms. Adel, dala-dala nito ang isang tray na naglalaman ng pagkain.

Nakangiti lang siya at nilapag sa tapat ko ang tray. Akma siyang aalis nang tawagin ko siya.

"Ms. Adel." Natigilan siya at kaagad na lumingon sa'kin. "P-Pasensya na po kung nasigawan ko kayo noong isang araw."

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon