DALAGA 22❀

14.3K 1.7K 3.5K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"UGH, grabe ang sakit ng ulo ko." Narinig ko 'yung boses ni Auntie na kakapasok lang ng kusina.

Mas maaga akong nagising kaysa kahapon kaya nakapaghanda ako ngayon ng agahan. Wala pa ring balita kay Mamang kung kailan ba siya uuwi.

"Kailangan ko ng kape..." medyo lumingon ako kay Auntie na nakaupo na ngayon, hinihilot 'yung noo niya. "Gusto ko ng kape, mamamatay ako ng walang kape."

Mukhang sabog si Auntie sa itsura niya, gulu-gulo 'yung buhok tapos 'yung maskara niya sa mukha eh nakakalat pa rin.

Nakita ko sa harapan ko 'yung tray ng kapehan.

"Kape, Auntie?" alok ko.

"Sige—ako na magtitimpla, baka mamaya matabang na naman 'yung itimpla mo," sabi niya. "Iabot mo sa'kin 'yang tray." Turo niya sa kapehan.

Kinuha ko 'yung tray sa harapan ko tapos nilagay ko sa mesa katapat niya. Kumuha na rin ako ng tasa para sa kanya.

"Papasok ka na?" bigla niyang tanong nang ilapag ko sa mesa 'yung tasa at kutsarita. Napansin niya kasi na nakasuot na ako ng uniform.

"Hindi po, uuwi pa lang," pilosopo kong sagot.

Sinamaan ako ng tingin ni Auntie. Kala niya ha. Bawi-bawi lang.

"Bakit ba 'ko nagtanong," bulong niya sa sarili habang nagtatakal ng kape.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa ginagawa niya.

"Auntie," tawag ko sa kanya nang buksan niya 'yung lalagyan ng asukal. "Wala po kayong naalala kagabi?"

"Ha? Anong meron?" nakakunot niyang tanong habang nakatingin sa'kin, 'yung kamay niya abala sa pagtakal ng asukal. Naka-apat na takal siya.

"Ah... Eh..." Niyakap-yakap mo lang naman ako kagabi tapos ang pangit-pangit mong umiyak. "Ano po, kinakatok na po tayo ng mga kapitbahay kasi nakakaistorbo na raw po kayo. Ipapabarangay na raw po kayo pag nag-ingay ulit kayo mamayang gabi, buti raw sana kung maganda boses n'yo—"

"Ano kamo?" galit niyang tanong. "Hindi maganda boses ko? Sinong nagsabi no'n? Ang kapal ng mukha!"

Siyempre kwentong barbers ko lang 'yong huli. Pero may naninita na kaming kapitbahay kagabi.

Ibig sabihin kapag nalalasing si Auntie ay wala talaga siyang naalala. Hmm... Parang nagkaroon ug light-bulb na nag-ting sa tabi ng ulo ko.

"Sige po, Auntie, papasok na po ako," paalam ko sa kanya at dali-dali akong umalis.

Pero ang totoo sinilip ko muna siyang higupin 'yung kape niya... ' ͜ʖ'

"Pwshhhkjdljasdlka!" nabuga niya 'yung kape!

Sunud-sunod na nagmura si Auntie at ako naman ay kumaripas ng takbo palabas bago pa niya ko mahuli.

Noong nasa labas na 'ko ay saka ko humagalpak ng tawa. Napapaluha ako sa kakatawa dahil sa nangyari.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon