DALAGA 56❀

9.4K 1K 7.2K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MULING bumuhos ang luha nang muli kong mayakap ang pinakamamahal kong tao sa mundo. Nanumbalik 'yung pakiramdam na akala ko'y hindi ko na makikita ulit si Mamang. Parang ayoko nang mawalay pa sa piling niya.

"Ming, baka naman hindi na makahinga si Mamang niyan," dinig kong sabi ni Auntie kaya bumitaw na ako kay Mamang.

Nang sumapit ang weekend ay tinupad ni Tito Miguel ang hiling ko na umuwi muna para makita si Mamang at kumustahin ang kalagayan niya. Kaso babalik din ako agad sa Lunes sa Baguio dahil may pasok ako. Kung pwede lang sana na huwag nang bumalik doon.

Nakaconfine pa rin si Mamang at nagpapalakas na lang, pinilit daw ni Tito Miguel na sa ospital na magfully recover si Mamang at wala naman daw kinontra si Auntie dahil sagot naman nito ang mga gastos.

"Mamang—"

"Mingming, apo ko," maluha-luhang sambit ni Mamang sa pangalan ko. Sobrang namiss ko siya. "Patawarin mo ako kung naging pabigat ako... Patawarin mo si Mamang kung dahil sa akin ay nahirapan ka..."

Saglit akong sumulyap kay Auntie, gusto ko sanang itanong sa kanya kung naikwento na ba niya kay Mamang ang lahat ng nangyari. Basa sa tingin na binigay sa'kin ni Auntie ay naikwento na nga niya ang lahat.

Nang humarap ako kay Mamang ay hinaplos niya ang buhok ko. Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko mawari.

"'Mang, d-dito na lang kaya ako? Ako na lang muna ang mag-aalaga sa'yo?" Gusto kong sabihin niya na oo, gusto kong pilitin niya ako pero nanlumo ako nang umiling si Mamang.

"N-nandito naman ang Auntie mo, Ming, ayokong maabala ang pag-aaral mo," sagot ni Mamang sa'kin. "Ayoko nang dahil sa'kin ay masira ang kinabukasan mo, Ming."

Muli kong niyakap si Mamang at humingi na naman siya ng tawad. Pero pilit kong sinabi sa kanya na wala siyang kasalanan at ginawa ko 'yon dahil mahal na mahal ko siya. Tiyak kong naiintindihan ni Mamang ang sitwasyon, pero sa kaloob-looban ko'y hinihintay ko siya na pagalitan ako.

Marahil ay natakot din si Mamang, siguro'y gusto pa rin niyang manatili sa mundong 'to ng matagal pa dahil natatandaan ko pa ang sinabi niya sa'kin noon, na pangarap niyang makita akong makapagtapos.

Kaya naman nang tumigil na ang luha'y binigay ko ang best ko na maging masaya kasama si Mamang kahit sandali lamang. Halos sa ospital ako nanatili noong weekend at umuuwi lang ako sa bahay namin para matulog.

Kinamusta nila ako ni Auntie sa bago kong tinitirhan at sa bago kong eskwelahan. Sinabi kong okay lang naman ako roon. Hindi ko magawang maikwento sa kanila 'yung problema ko tungkol kay Quentin.

Simula kasi noong huli naming pag-uusap ay hindi na siya sumasagot sa mga tawag, text, at chat ko. Hanggang sa hinayaan ko na lang muna siyang makapag-isip. Pero determinado pa rin ako na makausap siya.

Naitanong nga nina Mamang at Auntie kung kumusta naman si Miggy at sinabi ko sa kanila ang totoo na medyo malamig ang pakikitungo sa'kin nito kahit na hindi tutol sa gusto ng daddy niya. Wala naman na silang ibang kinomento.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon