DALAGA 96❀

6.2K 812 3.2K
                                    

NOONG mga sandali ko lang 'yon napagtanto na maaari rin palang maging kagaya ng pelikula ang totoogn buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOONG mga sandali ko lang 'yon napagtanto na maaari rin palang maging kagaya ng pelikula ang totoogn buhay.

Kahit na buong buhay ko yata'y dinaig pa ang telenovela.

Hawak-hawak ni Poknat ang kamay ko habang tumatakbo kami palayo. Parang isang eksena sa pelikula, tinutugis kami ng mga kalaban. Ang kaibahan nga lang ay walang mga camera at ilaw na nakatutok sa amin.

Pakiramdam ko noong mga sandaling 'yon ay para akong lumulutang sa langit. Sa kanya lang ako nakatingin, hindi ako kumukurap sa takot na baka maglaho siya sa'king paningin.

Hindi naman siguro 'to panaginip? Hindi naman siguro ako nag-iilusyon? Damang-dama ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko.

Namalayan ko na lang na sumakay ako sa likuran ng motor niya. Napayakap ako sa kanya nang pahahurotin niya ang sasakyan.

Nang ilapit ko ang ulo ko sa ulo niya'y naamoy ko ang pamilyar niyang pabango... Siyang-siya nga talaga ito.

"Kumapit ka lang nang mabuti," dinig kong sabi niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Mas lumaki ang bulto ng katawan niya pero alam din ng katawan ko na hindi bago ang ganitong sensasyon. Pumasok sa isip ko ang mga alaalang angkas din ako noon—kabilang 'yung araw nang pagtatanan namin at 'yung araw ng aksidente naming dalawa.

Buong biyahe akong nakakayakap sa kanya. Wala akong ibang tinitingnan kundi 'yung repleksyon ng itsura niya sa salamin.

Ilang sandali pa'y pinasok namin ang isang condominium building. Pagkababa naming dalawa'y walang sali-salitang hinila niya ako papasok sa loob. Hindi kami nakapagsalita sa loob ng elevator dahil marami kaming kasabay.

Nang huminto sa ika-labing-apat na palapag ang elevator ay lumabas kaming dalawa. Sa isang silid ay binuksan niya ang pintong may password.

Pagpasok sa loob ay hinihingal siyang huminto. Bago siya lumingon sa'kin ay humugot siya nang malalim na hininga. Nang magsalubong ang mga paningin namin ay parehas palang nagbabadyang bumagsak ang mga luha sa mata namin.

"I-ikaw ba talaga..." Tumango ako. "P-pero... pero... Hindi. Baka nananaginip lang ako," sabi niya sa sarili at naglakad-lakad saka umupo pero muling tumayo at naglakad-lakad.

"Poknat, huminahon ka—"

"Paano ako kakalma?!" natigilan siya nang mapagtantong napalakas ang pagkakasabi. "S-sorry... H-hindi pa rin ako makapaniwala." Bakas na bakas sa boses niya ang panginginig, kitang-kita ko nga rin 'yon sa kamay niyang hindi mapakali sa pagkumpas a ere.

Kinusot-kusot niya 'yung mga mata niya 'tapos sinubukang sampalin 'yung sarili nang paulit-ulit.

"Poknat, tama na 'yan." Lumapit ako sa kanya at pinigilan 'yung kamay niya. Naestatwa siya nang hawakan ko 'yung pisngi niya. Hindi ko mapigilang mangiti. "Hindi 'to ilusyon o panaginip. Nandito ako. Buhay na buhay."

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon