ABaKaDa

368 9 0
                                    


Ako ang siyang unang minahal
Bakit sa iba nagpakasal?
Katapusan namin nagsimula na
Dapat ko na bang bitawan ang mga pangako niya?
Ewan ko ba kung bakit di siya mawaglit sa isipan ko
Gayun na lamang ang pag ibig ko
Habang buhay siya lamang ang iibigin ng puso ko
Isip ko'y di siya kayang limutin
Lalo pa kaya dito sa puso ko
Mahalin ako ng tulad niya'y minimithi ko
Na ngayo'y pag ibig namin unti unti ng naglalaho
Ngalan niya'y di ko malimot
Oo hanggang ngayon pangalan niya'y nakatatak pa rin sa aking puso
Pangako niya'y di ko kayang malimot
Ramdam ko sa iba na siya umiibig
Sa akin di niya kayang igawad ang kaniyang pag-ibig
Umiiyak ang puso ko nang sila'y aking nasilayan
Wala na ngang makakapigil pa
Yaman nila ang pagmamahal na mayroon sila.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon