Tala

91 3 0
                                    

Tala

Sa Gabing malalim
Ika'y nagniningning
Sana'y iyong dinggin
Ang aking daing

Pagsinta niya ay magbalik
Upang pagmamahalan namin ay manumbalik
Mahal ko siya at siya'y walang kahati
Dito sa puso kong siya lamang ang tinatangi

Maaari mo bang pagbigyan
Ang aking pagsusumamo
Iyo sanang ipahintulot at dinggin
Itong pusong nagnanais na siya'y muling makapiling.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon