Sabi mo

63 6 0
                                    

Sabi mo

Sabi mo mahal mo ako
Kaya naniwala ako
Sabi mo ako lang at walang iba
Kaya ako'y di naghinala

Pero lahat ng mga sinabi mo
Wala kahit isa sa kanila ay totoo
Naging malamig ang iyong pakitungo
Inisip ko kung saan ako nagkulang sa iyo

Wala, wala ka man lang makuhang paliwanag
Nong tinanong kita bakit kasama mo ang taong dating nagbigay sa iyo ng liwanag
Pero mahal akala ko ba nakalimutan mo na siya
Akala ko ba pagmamahal niya ay nahigitan ko na

Totoo nga ang sabi ng karamihan
Mahirap kalimutan ang taong unang naging laman
Ng iyong puso't isipan
Mahirap makipagkumpetensiya
Sa taong una mong minahal at nagbigay sa iyo ng kahalagahan.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon