Tayo ay Pinagtagpo

71 4 0
                                    

Tayo ay pinagtagpo
Pinagtagpo upang ipaglayo
Ipaglayo upang hindi magpang abot
Ang kapalaran natin ay kagaya ng Asymptote

Linyang pilit ipagtagpo
Ngunit kailanman ay hindi magtatagpo
Tadhana ay masyadong mapaglaro
Pagmamahalang ilang taong nabuo bigla na lamang maglalaho

Maglalaho na parang bula
Kaya naman hiling ko sa mga tala
Tayo ay muling magkita
Sa lugar na walang makakasira sa pagmamahalan nating dalawa.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon