Huwag Kang Mangamba Mahal

52 4 0
                                    

Huwag Kang Mangamba Mahal


Puso ko ay para lamang sa iyo
Pag-ibig ko ay hindi kailanman magbabago
Pilitin man ng tadhana na tayo ay ipaglayo
Asahan mong gagawa ako ng paraan para magkasama tayo

Hahamakin ko ang lahat
Makasama ka lamang at yan lamang ang nararapat
Ikaw sa akin ay karapat dapat
Asahan mong pag-ibig ko sayo ay higit pa sa sapat

Huwag kang mangamba
Pagmamahalan natin ay hindi magagambala
Marami mang dumadating na babala
Ako sa iyo ay hindi mawawala.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon