Kailan Kaya

58 2 0
                                    


Kailan kaya ang panahon
Ang tamang pagkakataon
Na ang tadhana ay sasang ayon
Sa pagmamahalang ating nabuo ng ilang taon

Kailan kaya ang tamang panahon
Ang ating tamang pagkakataon
Kung kailan ang tibok ng ating mga puso
Ay pwede ng masunod ang kanyang gusto

Kailan kaya ang panahon
Mga alaala ng nakaraan
Ay muling makaahon
Makaahon sa mga alaalang naibaon

Kailan kaya ang tamang pagkakataon
Para sa ating dalawang pinaglipasan na ng panahon
Ang mga puso'y pwede ng mahalin ang isa't isa
At wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nating dalawa.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon