Kalayaan

76 5 0
                                    

Pilipinas ang siyang bayan
Kalayaan ang siyang ipinaglalaban
Laban sa mga umaabusong dayuhan
Buhay ang siyang naging kabayaran

Kalayaan o kalayaan ika'y sanhi ng pagkakaisa
Aming mga magigiting na mga bayani'y nagkaisa
Buhay nila'y inialay upang ang bansang ito'y maihiwalay
Sa dayuhang mapang abuso at puno ng kalupitan

Bilang isang kabataan ng bagong henerasyon
Hangad ko lamang ng lubusang kalayaan
Ngunit ng dahil sa COVID-19
Tayo ay pinagkaitan ng Kalayaan

Tayo ay Pilipino
Anumang pagsubok ito'y ating matatalo
Sa Diyos tayo lamang ay manalig at manalangin
Upang muli nating maangkin ang siyang ating inaasam na Kalayaan.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon