Narito Lamang Ako

24 1 0
                                    

Mahal ko nais kong sabihin sa iyo
Na kahit saan man ako patutungo
Nandiyan lamang ako sa tabi mo
Sapagkat ang aking isip at puso ay hawak mo

Sa aking paglalakbay hawak ko ang iyong kamay
At asahan mong kahit kailan hindi ko ito hahayaang maghiwalay
Hihigpitan ko ang paghawak nito upang ito ay di magkawalay

Kahit alam kong hindi ako ang laman ng iyong puso
At kahit na isa pa itong imahinasyon
Hindi ko maiwasang hindi alalahanin
Na minsan sa isang pagkakataon ako'y iyong pinaglaanan ng iyong panahon.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon