Imahinasyon

115 5 0
                                    

Imahinasyon

Sabi ni Tj Monterde sa kanta niyang Imahinasyon.
Na "akin ka sa aking imahinasyon

Sana'y hindi lang hanggang doon"
Agad sumagi sa aking isipan ang isang katanungan.

Bakit kailangan pang sa imahinasyon?
Kung pwede namang maging akin ka sa aking realidad
Bakit kailangan pang sa aking mga panaginip?
Kung pwede namang sa pagdilat ng aking mga mata
Ay maging akin ka.

Kung pwede nga lang
Mangyari ang ilan sa mga iyan
Ay tiyak na lubos kong ikasasaya.

Tanging hiling ko sana sa  pagpana ni Kupido sa iyong puso ay tumagos ito sa kaibuturan ng iyong puso
At ako'y mapagtuonan mo ng iyong pansin
At sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Ako'y nangangarap
Na sa aking panaginip ika'y naroon
Tayong dalawa ay masayang nagmamahalan.

Ako'y nangangarap na ikaw at ako
Pareho ang tibok ng ating mga puso
Pusong ikaw ang siyang tibok
At laging binabanggit ang pangalan mong gawa ng mag asawang   Koreana't  Koreano.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon