Ipinagdarasal Kita

34 1 0
                                    

Sa aking pananatili sa mundong ito
Mayroong bagay akong hindi sigurado
At iyon ay kung makakasama ko ba sa mundong ito ang aking kapareho
Na siyang kukumpleto sa aking pagkatao

Dahil ako'y hindi sigurado sa aming pagtatagpo
Sa Diyos ito'y aking isinasamo
Na sana hayaan Niyang landas namin ay magkatagpo
Magkatagpo at kahit kailan hindi na magkakalayo

Kapag dumating ang panahong landas namin ay nasa iisang direksiyon
Hindi na ako lilingon pa sa ibang naroroon
Ako'y magagalak at malaki ang aking pasasalamat sa Poon
Dahil ang aking pagsusumamo't hiling
Binigyan Niya ng katuparan upang tayo ay magkapiling.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon