Kaibigan ko

115 7 0
                                    

Kaibigan ko

Kaibigan ko nais kong malaman mo
Ang nilalaman ng puso ko
Na pangalan mo ang tinitibok nito.

Kaibigan ko nais kong malaman
Kung puso mo ba'y mayroon ng laman
Baka ika'y may ibang napupusuan
At kung sakaling meron man
Kailan mo ito ipababatid sa kaibigan mong ang tanging hangad ay mapansin mo lamang.

Kaibigan ko sana'y pakinggan mo
Ang sasabihin ko
Maaari bang ikaw at ako ay maging tayo?

Kaibigan ko puso ko'y nasaktan
Nang sinabi mo sa akin ng diretsahan
Na kayo na ng babaeng iyong hinahangaan

Gusto kong maging masaya
Ngunit di mapigil
Ang luhang di magpapapigil
At kusa na lamang luha'y biglang tumulo
Hindi siya tulad ko na kayang magtago.
Kahit masakit itatago.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon