Ngiti

49 3 0
                                    

Ang iyong ngiting nakaukit sa iyong labi
Ang siyang aking nagugunita sa tuwing sumasapit ang gabi
Ako'y nahihirapang makatulog
Sapagkat sa iyo ako'y nahuhulog

Hindi na alam ang aking gagawin
Kung ano ang dapat uunahin
Sapagkat sa tuwing ikaw ay aking nasisilayan
Damdamin ko'y hindi ko namamalayan

Ako'y natutulala na pala
Sa ngiting iyong ipinapakita
Aking sinisinta
Maaari bang mahalin kita sa tuwina?

PS: Sa kakapanood ko ng Ilustrado ako'y nakagawa ng panibagong tula. Ako'y natutuwa at kinikilig sa pag iibigang Rizal at Rivera.

Ayyyiiieeehhh kinikilig ako

Date: January 21, 2022
11:21 pm

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon