Pangalawa

73 5 0
                                    

Pangalawa

Pangalawa man ako sa iyong puso
Pagmamahal ko sayo ay di matatawaran ng husto
Sa tuwing kaharap mo ang iyong unang pag ibig
Puso ko'y d mapigilang kumirot at madurog

Pagmamahalan ninyong dalawa
Ay di mo malimot limot siya ang una
Ako ang pangalawa
Mukha namin ay magkawangis pa

Mga hitsura man namin ay magkapareho
Ang pagmamahal ko naman sayo ay buo at puro
Handa akong maghintay mahal ko
Kung kailan mo siya isusuko.

PS: Isang maulang gabi sa inyong lahat at dahil maulan ang ating gabi at walang mga bituin sa langit parang nadadama ko ang nararamdaman ni Kagome Higurashi sa tulang nasa itaas.

Pahabol: Sinong excited bukas? October 16, 2021 ipapalabas na kasi ang season 2 episode 3 ng Hanyo No Yashahime. Kinikilig ako kay Sesshomaru Sama😍😍

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon