Mamahalin Kita

21 0 0
                                    


Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga
Mundo man natin ay magkaiba
Ikaw pa rin aking sinta
Ang iibigin ko sa tuwina

Pag ibig mo ang siyang baon ko
Hanggang sa araw na ito
Hindi ka nawaglit sa isipan ko
Ikaw pa rin ang tanging minamahal nitong pusong ito

Parang hindi ko na yata kayang magmahal ng iba
Pagkat ang puso ko ay nakalaan na sayo aking sinta
Ikaw lamang ang siyang pinagmamasdan ng aking mga mata

Ikaw pa rin ang siyang hanap ng pusong ito
Sana ikaw at ako ay magkasama hanggang sa dulo ng mundo
Ikaw ang siyang tinatangi nitong puso ko
Tayong dalawa ay hindi na magkakalayo.


Date: August 29, 2022
Maligayang araw ng mga bayani!!

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon