Ikaw

122 9 0
                                    

Ikaw

Ikaw ang aking tanging hiling
Sa mga talang nagkikislapan sa gabing malalim
Na sana ika'y matagpuan nitong pusong nangungulila.

Ikaw ang tanging hiling sa buwan
Ng sa gayon ikaw ay kaniyang ihatid sa akin
Mga puso natin pagbigkisin.

Ikaw ang tanging hiling sa hangin
Na sana sa iyo'y ibulong at ipadama Ang aking pagsintang di mo madama

Sapagkat ika'y walang pandama
Puso mo tuluyang namanhid
Sa paalam na sa iyo'y kaniyang iginawad.

Ika'y aking hiling sa Poong Maykapal
Na sana tayong dalawa'y muling magkaisa at di na muling magkawalay pa.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon