May Ako

44 1 0
                                    

Sa bawat pagod ay may Pahinga
Sa sandaling ika'y mapagod
Huwag mong kalimutan na merong ako na pwedeng sandalan mo
Sa oras na di mo na kaya ang pagod na dala ng mundo

Pahinga lang aking mahal
Hindi ko ipagdadamot ang aking braso at balabal
Upang sa ginaw ikaw ay di tablan
Ang iyong ngiti ang siyang aking nagsilbing pananggalang


Ngiting nagbibigay sa akin ng kapayapaan
Na sa ating pagmamahalan ay walang makakahadlang
At dahil rito ako ay lumaban
Sa ating pag-iibigan.

Date published: February 26, 2023
7: 22 pm

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon