Dear Bias

189 11 0
                                    

Dear Bias

Sana balang araw makita kita
Makita kitang nakangiti kasama ang iyong mga miyembro.
Sana dumating ang panahon na papayagan ni tadhana na tayong dalawa ay magkita.
Sana makita kita bago ikaw o ako ay magpakasal sa taong inilaan ng Diyos para sa atin.

Hiling ko na sana ang lahat ng aking mga sana ay matutupad
Pero sana kung mamarapatin ng pagkakataon maaari bang tayong dalawa ay magkasama
Iyon bang ikaw at ako
Tayong dalawa ay magkapareho ang tinitibok ng ating mga puso.

Alam ko sobra na sapagkat ika'y idolo
Na hinahangaan ng milyon milyong mga tao
At alam ko ring maraming gustong magpapansin sa iyo hindi lang ako.

Pero bias maaari mo ba akong hintayin
Hintayin na ako'y makapagtapos sa aking pag aaral at makapag ipon ng pera papunta diyan sa sarili mong bansa
At makita kitang nakangiti habang kasama ang iyong mga miyembro na nakangiti rin at masaya kagaya mo dahil sa wakas nakompleto rin kayo
Hindi man sa entablado
Ngunit sa samahan ninyo.

Sana bias ako na lang ang iyong Wendy at ikaw ang aking Peter Pan
Maaari bang kapag magkita tayo sabihin mo sa akin na Girl Girl Be My Love?
Pero alam ko sobra na pero ganito na talaga ako makasarili
Sarili ko lang ang aking iniisip
Pero sana mahalin mo ako hindi lang sa dahil mahal kita kundi dahil sa mahal mo ako.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon