Ikaw Pa Rin Aking Mahal

34 1 0
                                    

Sa bawat pagdaan ng mga araw
Iniisip ko ay ikaw
Inaalala ang mga araw kung kailan ang mga puso ay sumisigaw
Sigaw ng pagsinta na kahit anong mangyari ay di bibitaw

Mahal nais kong sabihin sayo
Kung sa oras na ito ito ay nabasa mo
Nais kong iparating sa iyo
Na kahit kailan sa iyo ako'y hindi maninibugho

Paglayuin man tayo ng mundo
Asahan mong pagsinta ko sayo
Ay hinding hindi kailanman magbabago
Ikaw at Ako hanggang dulo

Ikaw ay para sa akin at ako'y para sayo
Kung ang Tadhana man tayo'y ipaglayo
Asahan mong ako'y babalik sayo
Sapagkat puso mo ang tahanan ko.

Date: January 28, 2023
Saturday 11:36 pm

PS: Hiling ko sana ay makabili ng bagong libro "Ikaw Sa Bawat Araw" by Ron Canimo.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon