Iibigin Kita

31 0 0
                                    

Iibigin kita hanggang sa aking huling hininga
Ikaw lamang ang pag aalayan ko ng aking pagsinta
Sa iyo lamang ako magmamahal aking sinisinta
Ang pangako kong ito ay hindi kailanman mabubura

Iibigin kita kahit buhay ko man nito ang maging taya
Para sayo ako'y handa sa anumang pagtataya
Mahal kita hindi na iyan magbabago pa
Ikaw lamang at wala ng iba

Iibigin kita kahit sabihin ng iba ako'y nahihibang na
Ikaw lamang ang tangi kong kaligayahan aking sinta
Huwag mo sanang kalimutan ang sumpaan nating dalawa
Na tayo ang siyang para sa isa't isa.

Date Published: June 3, 2022
10:18 PM

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon