Kabanata 6

35.8K 1K 125
                                    

Ala una na ng madaling araw pero nandito parin kami at ni isa walang gustong matulog. Nag-eenjoy ang iba sa billiard at yung mga lalaki naman ay sa liquor habang kami ni Denise ay nasa jacuzzi, nag-k'kwento ng kung ano-ano.

Umahon ako at nag-desisyon kong magluto ng barbeque dahil inubos nina Clay yung mga niluto ng mga katulong nila.

"Why can't you kick Maureen out of your house?" Nag-kukunwari akong may ginagawa pero ang totoo ay nakikinig ako sa usapan nina Denise at Clay na bagong dating galing sa mga kaibigan niya

"I can't, she might be offended at baka magalit sila sa akin. I don't want to be rude just because of what happened before."

Lumapit ako kaagad sa kanila bago pa magalit si Denise at mag-ayaw pa silang dalawa.

"It's okay Dee, there's nothing to worry about. I don't mind and to be honest, I really don't care."

"Are you sure? Baka kasi..." Agad kong tinigil si Denise sa sasabihin n'ya dahil alam ko na 'yun.

"Nah, don't worry about the past. Part of my moving on is seeing them two together." Sabi ko at umalis na para puntahan si Hero na kanina pa mag-isa sa tabi ng pool

Papalapit palang ako sakanya nang bigla kong nakita ang instagram account ni Trigger sa screen ng phone ni Hero.

"Why are you stalking him?" bigla kong tanong, I chucked as I sat beside him. Matutuwa si Trigger kapag nalaman n'ya 'to

"I got curious kasi lagi kayong mag-kasama sa post n'ya although nakatakip yung mukha mo lagi, I know it's you kaya ko s'ya inistalk."

"He's my boy bestfriend." Sabi ko sakanya dahil 'yun naman ang totoo pero ang mga mata n'yang kanina ay masigla ay biglang naging malungkot

"So, pinagpalit mo na ako?" tanong n'ya ng nakasimangot, agad ko s'yang inakbayan at kinurot ang pisngi.

"You're still my bestfriend, dinagdagan ko lang sya sa listahan ng mga kaibigan ko. Or gusto mo akong magkaroon ng boyfriend?"

"No, okay lang kung bestfriend yung kaagaw ko, wag lang boyfriend." Natigilan ako sa sinabi n'ya, I'm sure Hero must be dating some girls out there at hindi pwedeng hanggang ngayon ay may nararamdaman parin siya sakin. Ayokong saktan ko ulit s'ya.

Nung natapos kami ni Hero sa pag-kwentuhan ng kung ano-ano ay naisipan naming mag-swimming.

Ngayon ko lang nalaman na magaling palang lumangoy 'tong lalaking 'to, he's almost perfect pero nagtataka ako at hanggang ngayon ay wala parin s'yang nakukwentong girlfriend n'ya.

"Hero, why don't you tell me something?" tanong ko nung nasa tapat ko na s'ya.

"Tell you about what?" he asked and lean on the pool's wall

"If you already found the one." Ngiting tanong ko dahil magiging masaya ako sakanya kapag meron

He was about to speak when Clay suddenly yells.

"Guys, laro tayong dragon tail! Walang kill joy, please!" sigaw ni Clay at lahat sila ay nagsipunta sa pool.

Nakita ko si Denise na galing sa loob at may dalang dalawang panyo. Nag-grupo kaming lahat, kasama ko si Denise, Clay and Hero with two other friends. Bale, anim kami kada group.

Pumwesto ako sa likod ni Denise at hinawakan ko ang bewang n'ya para makapag-ready ako. Pumunta sa dulo ko si Hero at hinawakan ang balikat ko.

"Hero, matatalo tayo d'yan sa ginagawa mo. Hawakan mo yung bewang ni Vee!" tarantang sigaw ni clay dahil ayaw n'yang matalo dahil may pustahan sila na manlilibre ng drinks sa bar ang mga matatalo.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon