Kabanata 31

28.8K 659 79
                                    


Hiyang hiya ako sa sinabi ni Dael, he's being vocal now. Hindi rin mawala wala ang ngiti sa kanyang labi habang kasama sina Clay sa pag-susurf, habang kaming mga babae ay nakasilong sa malaking payong, pinapanuod sila.

Kumaway sa akin si Dael ng nakatayo na s'ya sa kanyang board, kumaway ako pabalik. Ilang segundo ay nahulog sina Clay at sumunod s'ya. Nagtatawanan sila pabalik sa amin, hawak hawak ang sarisariling board.

Kinuha ko ang tuwalyang nasa gilid ko para ibigay iyon kay Dael pero hindi n'ya iyong kinuha imbes ay mas lalo s'yang lumapit sa akin.

"Could you please help me to dry myself?" aniya at tinayo ako sa pagkakaupo. Nakangisi s'ya bago n'ya ako tinalikuran. Nakahawak ako sa tuwalya at pinunas ang katawan n'ya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko ng dumaan ang haplos ko sakanyang dibdib. Habang hirap na hirap ako dito ay s'ya namang kinatuwa n'ya, nakangisi s'ya habang matalim akong tinitignan, sinusuri ang reaksyon ko

"Stop staring." sabi ko at tinignan s'ya agad rin ako nag-iwas ng tingin dahil hindi ko mapantayan ang mga titig ng mga matang yan. The way he look at me was the same stares I saw from him last night.

"Done." sabi ko kahit na hindi pa ako tapos sa ginagawa, I can't take his stares. Para akong nilalamon papunta sakanya and it's dangerous, too dangerous kapag nandito ang mga kaibigan namin.

Umupo ulit ako sa tabi ni Denise, kung nasaan ang pwesto ko kanina, at nakipagkwetuhan sakanya about sa tv show na pinapanuod n'ya.

"You have that thing for deep eyes, Dee, just like my cousin. Kaya naa'adidict ka d'yan kay Damon." sabi ko sakanya, tinutukoy ang kinakahumalingan n'yang character na isang vampire sa sikat na TV show.

"And bad boys too." hagikgik n'ya at tumingin kay Clay.

Clay's really a bad boy at lagi s'yang pinapagalitan nina Tito at Tita dahil lagi s'yang napapaaway at puro banda na lang ang iniisip. But he wasn't that bad dahil never s'yang naging masama sa akin, he cared for me kahit na noon pa man. Denise was the reason kung bakit nawala ang bisyo ni Clay, he quit smoking at nabawasan rin ang pag-ba'bar n'ya na hindi involve ang gig nila. Natigil na rin ang pagiging mahilig n'ya sa mga babae nung nakita n'ya si Denise and thank God for her and I know that Tito and Tita are grateful that Denise came into Clay's life kundi tsk tsk...

Nagtipon-tipon kami para makapag-lunch na sa isang Filipino restaurant malapit lang sa resort. Nasa kagitnaan kami ng kainan ng biglang may maraming flash sa entrance ng restaurant, natigil ang tawanan ng mga lalaki at napatingin kami sa mga taong may dalang camera.

"Oh no, we're in trouble." ani Laurenz habang tinitignan ang mga media

May isang nagtangkang pumasok pero buti na lang at naharangan s'ya ng dalawang guard. Tinignan ko si Dael na nakaigting ang panga habang nakatingin sa mga media. Hinawakan ko ang kamay n'yang nasa mesa at agad s'yang lumingon sa akin

"Everything will be alright, okay?" aniya at inakbayan ako

Hinintay na lang namin yung mga ibang matapos sa pagkain nila at tumayo na kami para umalis na sa restaurant. Hawak-hawak ni Dael ang aking kamay nang nasa labas kami ng restaurant, nagtangkang lumapit ang mga media sa amin pero agad silang hinarangan ng mga guards. May nakita pa akong naka-black suit na tumutulong rin sa pagharang sa mga media.

"Damn media." sabi ni Clay habang pinupunasan ang pawis n'ya. Nasa loob na kami ng Shangri La at dito na naisipang mag-swimming dahil kung iisipin ay mas pribado dito at nakakasiguradong walang media.

Lumapit ako kay Hero na ngayo'y may kausap sakanyang phone

"Siguraduhin n'yong hindi sila makakalapit sa amin." iyon lang ang narinig ko at panay na ang tango n'ya.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon