Kabanata 36

27.4K 654 41
                                    


Nagpahinga muna kami sa bahay, may mga katulong na naiwan kaya malinis parin ito, gustong mag-hotel ni Daelan dahil nahihiya daw s'yang matulog sa amin pero pinilit namin s'ya ni Ate at nag-call rin si Daddy para mangamusta sa amin.

"Tell Daelan to stay in our house." sabi ni Daddy kaya wala nang magawa si Daelan kundi sundin ang sinabi ni Dad.

Tinuro ko sakanya ang guest room namin, all white ito at maganda ang disenyo ng headboard. Alam kong magiging komportable si Daelan dito.

"Let me lead you to your room first." sabi n'ya nang lumabas na ako sa kwarto n'ya, sinundan n'ya ako.

"Is this your room?" tanong n'ya ng nasa tumigil kami sa tapat ng kwarto ko, tumango ako at pumasok doon sumunod naman s'ya

"May nakapasok na bang lalaki dito?" tanong n'ya habang nililibot ng tingin ang aking kwarto

"Trigger is not a man so...' kibitbalikat ko at natawa. Ngumisi lang s'ya

"Oh meron na pala!" sabi ko at tumawa para asarin s'ya.

Tinignan n'ya ako ng masama kinain ang distansya naming dalawa. Napaatras ako sa kanyang ginawa, matalim ang titig n'ya sa akin tila tigre na gusto akong kainin.

"Who is it and I'll kill him by myself." sabi n'ya

"So you're going to kill yourself then?" ngumisi ako

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa sinabi ko, tila naguguluhan at hindi maproseso.

"Are you telling me na ako palang ang lalaking nakapasok dito?" sabi n'ya "Well except for Trigger Mondragon who has a secret." tumango ako sa unang sinabi n'ya.

As if naman na may papasukin akong lalaki, ni hindi ko nga hinihayaan ang sarili kong mapalapit sakanila. Si Trigger lang na alam kong walang intensyon sa akin the rest is for casualty lang.

Hindi ko alam kung anong sumagi sa utak ni Daelan at tinanong n'ya kung may pumasok na bang lalaki sa kwarto ko. Alam naman n'yang takot na akong makipag-close sa kahit kanina dahil sa nangyari noon.

Umalis na s'ya pagkatapos ng ilang minuto, gusto n'yang magpahinga muna kami dahil pagod sa byahe.

Kinabukasan ay nagising na lang ako ng may kumatok sa aking kwarto and the next thing I knew is pinagyuyugyog na ako ni Ate.

"Wake up! Let's go shop or something! 'Wag mong ikulong si Daelan dito." sabi n'ya. Umupo ako ng mayos at kinusot ang aking mata, biglang nagising ang kaluluwa ko sa iniisip kong paalis sa US kasama si Daelan.

Naligo muna ako at nagbihis, I wore a white boho top, maong shorts and a pair of sandals. Pagkababa ko ay nandoon na si Daelan, nakatingin sakanyang phone pero noong nakita n'ya akong pababa ay binulsa n'ya ito at tumayo. He's wearing a grey polo shirt and black shorts with a pair of Sperry. Hindi ko mapagkailang kahit anong suot n'ya ay gwapo parin s'ya

"What were you doing awhile ago?" tanong ko

"Contacting my manager."

"Are they mad because you came here for me." tanong ko

Alam kong may posibilidad na magalit ang company n'ya at baka makasira iyon sa career n'ya. Natatakot ako na baka wala na s'yang babalikang banda pagkabalik n'ya

"They're not mad, sangayon sila sa ginawa ko. They want me to rest from the issue." sabi n'ya "I know what you are thinking, you don't have to be worried about my career. I will always choose you, only you." sabi n'ya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko

Naabutan kaming ganoon ni Ate kaya panay ang tukso n'ya sa aming dalawa sa sasakyan. Daelan insists to drive us pero dahil wala s'yang license kaya ako na lang ang nag-drive. Ayaw ni Ate dahil nakaheels daw s'ya.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon