Kabanata 20

30.4K 805 45
                                    

Malaki ang ngiti nya nung nakapila kami sa snack station, nag order sya ng popcorn at hotdog para sa aming dalawa.

"I really want to do this with you, watching movies just like a normal couple."

"We're not a couple, Daelan." sabi ko sakanya, pinapaalalang kailangan nya pang manligaw

"Bakit? Doon rin naman pupunta ito diba?" Ngisi nya

Sinapak ko "Dahil dyan di kita sasagutin." sumimangot sya sa biro ko

"You don't want us to be together again?" I can feel the depression from him

Of course, I want to be with you again. Pero di ko sasabihin sayo yun, gain my trust first and make sure not to be a jerk again

"We are together" gulat syang tumingin sa akin na may malaking ngiti sa mukha nya "as friends, not couple." agad syang sumimangot

"But I'm courting you, Vee. Courting means you two are now a couple." umiling na lang ako sakanya, mabilis kaming nakapasok sa sine at umupo sa assigned seats para sa amin.

Hindi pa pinapalabas ang movie kaya medyo maingay pa ang tao, may napapatingin sa banda namin. Bawal na ang aviators sa loob ng sine kaya malamang alam nilang nasa loob ng mall si Dael pero nagkikibit balikat sila. Siguro iniisip na kamukha lang nya ang sikat na bokalista ng Victous

Nag-sisi ako kung bakit ganito ang sinuot ko para sa araw na to, tumaas ang mga balahibo ko sa lamig. Wala akong magawa kundi ang yakapin ang sarili ko

"Are you feeling cold?" Aniya at nung napagtantong nilalamig nga ako ay tinaas niya ang divider sa gitna namin at inakbayan ako

I didn't protest at all dahil nagbibigay itong ginhawa sa akin. Medyo nabawasan ang panlalamig ko dahil sa lapit ng mainit nyang katawan

"Better?" Tanong nya na tinanguan ko naman. Malaki ang ngisi nya pagkatapos

Ako ang may hawak ng popcorn, may tumabi sakanyang babae na sobrang iksi ng shorts.

Tinignan ko ang reaksyon ni Dael, kung naapektuhan ba sya sa seksing babaeng tumabi sakanya pero kabaligtaran ang nakita ko sakanya. Nakatitig sya sa akin, nakahawak sa labi.

Agad akong nag iwas ng tingin, why is he touching his lips?

Napapikit ako, buti na lang at nag dim na ang ilaw kundi makikita nya ang pamumula ng pisngi ko

Action ang movie, but there's a kissing scene on the last part. Napalunok ako habang pinapanuod ang dalawang naghahalikan tila nanigas ako sa kinauupuan ko.

Nilingon ko ang katabi ko, he wasn't looking at the big screen! Sa halip ay nakatingin sya sa akin, touching his lips again.

Tapos na ang kissing scene pero nakatitig parin kami sa isa't isa. We are looking to each other's eyes hanggang sa bumaba ang tingin nya sa labi ko.

Nakaakbay parin sya sa akin kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. Kinain nya ang maliit na distansya sa aming dalawa hangga't sa naamoy mo na ang mabango nyang hininga

I slowly opened my lips, waiting for his lips to meet mine.

Napapikit ako ng naramdaman ko ang kanyang labi, matamis at maingat ang mga halik nya tila natatakot na masaktan ito.

He still have that effect in me that made me forget about the world, tila nag bubuo ng sariling mundo kung saan kaming dalawa lang ang naroon

Hinawakan nya ang pisngi ko kasabay ng paggalaw ng labi nya. Sinabayan ko sya sa paghalik, bahagya kaming tumigil dahil sa pagngisi nya

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon