Kabanata 23

27.7K 764 68
                                    




Nagising akong natataranta ang mga tao sa bahay. May dalang mga damit sina Manang papasok sa kwarto nina Mommy

"Manang, anong meron?" Tanong ko kay Manang Denchi na may dalang damit ni Mommy

"Lagot kang bata ka, bakit di ka pa nag aayos ah? Mag a-out of the town daw kayo para sa reunion ng Mommy mo." Aniya at binigay sa isang katulong ang dala. "Halika nga, ako na ang mag aayos ng gamit mo." Aniya at pumasok sa kwarto ko kaya sinunod ko.

Pinapili nya ako ng mga damit na mga gusto ko at sya na ang nag lagay sa maleta ko. Habang nag aayos si Manang at lumipat ako sa kwarto ni Ate para tignan kung ano ang ginagawa nya.

Pagkapasok ko ay agad ko syang nakitang nakahiga sa kama, natutulog habang nasa tabi ng kama nya ang maleta. Agad ko syang binulabog sa kama nya

"Venice!" Suway nya kinuha ko ang unan nya sa ulo nya

"I'm glad you know my name." Sabi ko at umupo sa tabi nya "First time kitang nakita ngayong linggo, ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sakanya. Ang alam ko umuwi ang long time boyfriend nya galing Europe at matagal tagal na rin silang hindi nag sasama kaya malakas ang kutob kong sya ang kasama nya

"I was out of town, Palawan." Simpleng sabi nya at agad hinarap ang cellphone nya

"Ang daya!" Sabi ko, gusto ko ring pumuntang Palawan kaso alam kong time nila 'yun kaya palalagpasin ko muna but I seriously want to go to Palawan!

"Ate, saan pala yung Grand Reunion ng mga Lee?" Tanong ko para mag katopic naman kami

"I'm not sure but it's around Visayas." So it must be grand

"Venice, ready na ang mga gamit mo. Sabi ni Noah, kalahating oras na lang at aalis na kayo." Sabi ni Manang, tinutukoy nya ang hardinero namin at paminsan minsan ay tumutulong sa gawaing bahay

"Opo Manang!" Sigaw naming dalawa ni Ate

Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ni Ate Maegan para makaligo na sa kwarto ko

Sinuot ko ang puting midriff at itim na shorts at sandals. Tamang tama ang suot ko sa summer na panahon. Sinabit ko ang aviators ko sa gitna ng midriff ko at nilagay ang bag sa balikat ko

Sabay kaming bumaba ni Ate. Magkikita na lang daw kami nina Mommy at Daddy sa airport papuntang Cebu, kung saan ang reunion

Nakinig lang ako sa music sa phone ko papuntang airport kaya di ko agad napansin na nandun na pala kami

Excited na bumaba ng sasakyan si Ate at sinalubong ang mga iilang kamaganak namin

Inayos ko muna ang aviator sa mata ko bago bumaba, nakita ko doon si Mommy at Daddy na kausap sina Tita Bernadette, Mommy ng nakakatanda kong pinsan na si Shayne Lee, kaedad nya si Ate Maegan na nasa late 20's.

Kasama ni Ate Shayne ang asawa nyang si Keith Tyson. Nagpakasal sila 5 years ago at nagbunga ang pagmamahalan nila at yun ang babaeng anak nilang karga karga ni Kuya Keith.

Dumeretso muna ako sa gawi nila Mommy at Daddy para halikan sa pisngi at magmano naman kina Tita at Tito.

Pagkalingon ko kay Ate Maegan na kausap si Ate Shayne, agad nagtama ang paningin namin ni Ate Shayne.

Agad nya akong niyakap pagkalapit ko sakanila, ganun din ang ginawa ng asawa nya.

"Xena, say hi to your Tita Venice." sabi ni Atw Shayne sa anak nya.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon