Kabanata 24

29K 752 37
                                    

Ayos na ayos kami para sa gaganaping reunion, grand reunion ito at makikita ang mga kamaganak naming halos di namin kakilala.

Nasa iisang table kami ni Ate, Ate Shayne, Kuya Keith at ang anak nilang si Xena kasama ang nanny nya

Nilalaro ko si Xena habang sinasubuan ng pagkain ang Nanny nya. Tapos na akong kumain kaya napagkadiskitahan ko si Xena.

Pinagmasdan ko muli ang buong venue, gold and white ang lahat, simula sa gold na kubyertos, upuan at palamuti ng venue. May chandelier rin na inayos para sa reunion na ito.

Pinagmamasdan ko rin ang mga taong singkit ang mga mata, halatang Koreano, I barely know them. Tita and Tito ang tawag ko sakanila nung pinakilala kami nina Daddy kanina bago magsimula ang programme.

Tulala ako sa table namin habang iyong M.C. ay panay ang salita about sa history ng pamilya namin at nag-simula na silang mag-salita gamit ang Koreano. Nagkatinginan kami ni Ate at ngumisi na lang dahil wala kaming maintindihan ni isa sa mga sinasabi nila. Pati si Ate Shayne ay nag-sisimula na ring mag-salita ng Koreano kaya napapangiwi si Kuya Keith sa tabi nya.

Alas-otso ng gabi ay nagkayayaan ng umuwi pero sina Daddy at Mommy ay nag-paiwan. Gusto ko pa sanang mag-stay para tignan ang kagandahan ng garden nila lalo na kapag gabi kaso pagod at inaantok na si Xena kaya sumama na rin ako.

Pagkauwi namin ay diretso higa ako sa kama ko, doon ko lang namalayan ang phone ko! Agad ko iyong binuhay at tinignan kung sino ang mga nag-message sa akin at laking gulat ko ng makita ang madaming messages ni Dael at 40 missed calls! Seriously? Ganun na ba ako nalibang sa reunion at kay Xena para hindi ko napansin ang phone ko?

Daelan Tanhueco:

    How's your reunion?

Daelan Tanhueco:

    Seems that you're busy...

Daelan Tanhueco:

    Why are you not replying? I'm getting worried...

Madami pang katulad ng ganun ang nakita ko pero napatigil ako sa pagbabasa ng makita ang isa pang text nya

Daelan Tanhueco:

    I'm on my way there, I'm with Clay and Denise.

Napatayo ako, this message was 5 hours ago! For sure nandito na sila, baka kanina pa.

Agad kong kinatok si Ate sa kwarto nya at sinabing nandito sina Clay. Maya-maya pa ay nag-call si Daelan, agad ko iyon sinagot.

"We're here." Nandito nga sila! Husky ang boses nya, halatang pagod dahil sa byahe so ibigsabihin nandito nga siya sa Cebu!

"Anong pumasok sa kokote nyo at pumunta kayo dito? We'll be back for two days." Sabi ko, hindi alam ang gagawin ko. Magbibihis at pupuntahan sila or mag-stay na lang dito at bukas na lang mag-kikita

"Clay fooled me, ang sabi nya ay aalis na kayo bukas at dyan na sa airport ng Cebu sasakay papuntang U.S." napapikit ako ng marahan, fuck you Clay!

"That's not true, next next week pa ang alis namin."

"So it's true na aalis ka?" may halong dismaya sa kanyang boses

"Where are you? Saang hotel kayo mag-ch'check in?" Pagiiba ko ng usapan, ayokong pagusapan ang pag-alis ko baka masabi kong babalik ako sa Pilipinas after a month. As soon as I can, I want to keep it a secret para maisurprise ko sya

"We're here in front of Crown, same as yours baby." Pagkarinig kong iyon ay agad akong lumabas ng kwarto ni Ate at nagpalit ng simpleng dress.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon