Kabanata 9

36.2K 1K 66
                                    

"Why are you not ready?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Trigger nung pumasok s'ya sa suite namin ni Ate.

"Ready for what?" tanong ko dahil nakakasigurado akong wala kaming pupuntahang gig ng Victous ngayon dahil may pupuntahan sina Clay at ang banda n'ya para sa gig na matagal na nilang pinaghahandaan.

"For Boracay! Eveyone's packing habang ikaw ay naka-higa lang d'yan at nakatingin sa phone mo!" tarantang sigaw n'ya at kinuha ang maleta kong walang laman at sinimulang halukayin ang gamit ko sa closet.

Nag-simula na akong mataranta nung nakita ko ang maleta n'ya at ang mga kasama naming babae na pumasok sa kwento ko na dala rin ang mga maleta nila.

Mabilisan kong tinutupi ang mga damit na binibigay sa akin ni Trigger.

"Nice Triangl." Sabi ni Trigger habang hawak n'ya ang itim na leather na swimsuit ko. Kinilig ang mga kaibigan namin na nasa kama, iniisip nila na may pagnanasa sa akin 'tong si Trigger.

Nag-tinginan kami sa isa't isa at parehong may pandidiri sa mukha naming dalawa pero kami lang nakakakita dahil nakatalikod kami sa mga kaibigan namin.

May kalahating oras pa akong maligo at nag-bihis kaya kahit na nandito si Trigger sa kwarto ko kasama ang mga kaibigan naming ay hindi na ako nag-dalawang isip na maligo.

Naka-tapis ako nung lumabas ako sa kwarto, napatingin sa akin ang mga kaibigan kong babae habang si Trigger ay busy sa pagtitig sa phone ko kung nasaan ang conversation namin ni Hero kagabi. Napailing na lang ako at nilagpasan s'ya para mag-patuyo ng buhok.

Sinuot ko ang sleeveless black top and maong shorts na labas ang bulsa, kumuha ako ng plaid na long sleeves at tinali sa bewang ko sakaling lamigin ako mamaya sa flight.

Sina Ate ay nauna na doon bilang manager kasama ang mga staffs at cameraman, tanging si Trigger lang ang naiwan na cameraman. Ang sabi n'ya ay marami naming cameraman na nauna na at gusto n'yang makatabi sina Zac sa eroplano.

Sa Boracay ang event ng fashion show dahil Summer ang theme at perfect ang Boracay bilang background ne'to at para na rin makilala lalo ang Bora sa ibang bansa. Hindi ko nga alam na sa Boracay ang venue dahil ang alam ko lang ay doon yung celebration.

Pumasok na kami sa private airplane na pagmamay-ari ng agency. Umupo ako sa tabi ng bintana at nilagay ang earpods sa tenga ko.

"Do you mind?" tanong ni Zac sa akin, umiling ako, for sure nandoon sa upuan ng mga boys si Trigger.

"Haven't seen you these days, visiting some relatives?" tanong n'ya sa akin sa matigas na tono.

"Yup, I visited some friends and cousins."

"Oh, that's why." Sabi n'ya at tumango at doon natapos ang paguusap namin.

May bakanteng upuan sa tabi ni Zac at doon umupo si Trigger.

"Uy, may sasabihin ako sayo." Sabi sa akin ni Trigger habang nasa gitna namin si Zac

"Ano yun?" tanong ko, nag-uusap kami ng tagalog para walang nakakaintindi sa pinag-uusapan namin

"May nalaman ako about sa buhay ni Maureen." Pabulong na sabi ni Trigger, bigla kong tinanggal ang earpods sa tenga ko at napaayos ako ng upo

"Uhm, I think we should change place Trig. For you two can talk properly." Singit ni Zac at ngumisi naman si Trigger at sumangayon sa sinabi ni Zac

"Ano yun?" tanong ko sakanya nung nakatabi ko na s'ya

"Wala lang." sabi nya at tumawa. "Ginawa ko lang yun para mapalayo si Zac sayo at mapunta sa akin." Humalakhak sya at humarap kay Zac na naka-pikit na at handa ng matulog

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon