Kabanata 26

27.8K 815 65
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko ay naamoy ko agad ang bago ng rosas na nasa banyo. Gusto ko tuloy maligo, nakabukas na ang aircon pero binuksan ko parin ang pintuang papuntang balcony para makalanghap ng sariwang hangin.

Nilingon ko si Dael na kausap ang babaeng nag assist sa amin dito, sinabi ng babae na pwede daw kaming magpa-spa at massage kung kelan namin gugustuhin. Tumango kami at agad ring syang umalis.

Inayos muna namin yung mga gamit namin atska nag-palit ng pang-swimming.

Sinuot ko ang biniling two piece at may beach dress akong pinatong.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakabihis na rin si Dael at hinihintay na lang ako sa may kama.

Kumunot ang noo nya ng nakita kung ano ang suot ko.

"What are you wearing?" Aniya at lumapit sakin

"Clothes that are appropriate for the beach. If you'll make me change my outfit, the answer is no." Narinig ko ang bugtong hininga nya. Hinawakan nya ang bewang ko at hinaplos ito

"Fine. Just don't leave my side." Aniya at inakbayan ako. Lumabas na kami sa suite at naghintay sa lobby.

Naghihintay na sa may lobby sina Clay at Denise, nung nakita namin sila sa may couch ay agad na silang tumayo para makalabas na kami sa hotel.

"Let's wait for Alexis and Lau at the Pancake House." Sabi ni Clay, inakbayan nya si Denise at lumabas na sila sa hotel. Sumunod naman kami ni Dael

Pagkatapos naming mag order ay 'yun naman ang dating nina Alexis, natagalan sila sa pag check in at pagaayos ng mga gamit.

Napalingon ako sa mga babaeng nasa likod nila, nginitian nila ako, sinuklian ko iyon. Isang blonde na maganda ang hugis ng katawan, malaki rin ang kanyang hinaharap samantalang yung isa naman ay brunette at petite.

"By the way, this is Vanessa and Jayree." Pakilala ni Laurenz sa amin. Tuluyan ng umalis sa mga likod nila ang mga babae para magpakita sa amin. Kumaway sila samin, yung brunette ay medyo nahihiya pa.

"Hero is on his way now." Sabi ni Clay habang nakatingin sa phone nya. Nagkatinginan kami ni Denise, bigla syang na excite dahil iyong matalik na kaibigan naming dalawa ay makakasama namin

"That's great! Ang tagal na rin nating syang hindi nakakasama." Sabi ni Denise habang pinapaikot ang phone nya

"Well, he's busy on his business." Simpleng sabi ni Dael, nakatingin sya sakin pero nung binaling ko ang ulo ko sakanya ay agad naman syang nag iwas

"Business? You mean, sya na talaga iyong namamahala sa kompanya ng parents nya? That biz is huge right?" Tanong ko sakanila

"Yup, that's why he left the band for it." Sagot ni Alexis na kaharap ko sa lamesa

Isang taon na ang lumipas noong umalis ako ng Pilipinas ay sinabi sa akin ni Denise ay umalis si Hero sa banda, walang nakakaalam ng rason. He just left and hide from people. Ito pala ang pinagkakaabalahan nya.

He's nineteen that time and that's too young to become a businessman, lalo na kapag nag-aaral ka.

Ramdam ko ang titig sa akin ni Dael, tila binabasa kung ano ang iniisip ko. Nginitian ko s'ya

"Why are you starring like that?" Sabi ko, nag bugtong hininga sya at hinawakan ang bewang ko

"Stop thinking about him, nagseselos ako... dati pa." Sabi nya at hinalikan ang buhok ko, humarap ako sakanya at kinurot ang pisngi nya. Napangiwi sya sa sakit

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon