Kabanata 33

24.8K 620 43
                                    

Twitter: deliixxWP



Pagkatapos nung pagkikita kay Mr. Rodriguez ay hinatid na ako ni Dael sa bahay, nagpaalaam muna ako kay Denise na mamaya pa daw uuwi dahil s'ya lang mag-isa sa kanila. Nakangisi ako sakanilang dalawa habang kinakawayan sila sa sasakyan ni Dael.

May naglilinis na kasamambahay sa garden kaya pinagbuksan n'ya ako ng gate.

"You sure na hindi kana papasok?" tanong ko ulit kay Dael, umiling s'ya at ngumisi.

"I have to do some things. I'll call you when I reach there, okay?" aniya at nilapag ang bag ko sa tapat ng kwarto ko. Tumango ako at ngumuso sa sinabi n'ya, wala naman akong magagawa, hindi ba?

Pababa na kami sa hagdan ng makita namin si Ate Maegan sa tapat ng pintuan, tinitignan kung sino ang dumating. May baso ng tsaa sa kanyang kamay at malalaman mong galing s'ya sa kusina.

"Ate!" tawag ko sakanya at agad naman s'yang lumingon

Mabilis akong nakababa ng hagdaan para salubungin s'ya ng yakap.

"Oh, be careful!" sabi n'ya, iniwas ang tsaa sa akin

"Kadarating n'yo lang?" tanong n'ya kay Dael

"Yes, Ate." sabi n'ya at nilingon ako. Tumayo ako ng maayos at humarap kay Dael pagkatapos ay kay Ate.

"Ate, ihahatid ko lang si Dael sa labas." sabi ko

"Oh, hindi ka mag-s'stay?" tanong n'ya, nakita ko ang mabilis na pag ngisi n'ya pero nawala rin agad.

"Hindi na po Ate, may pupuntahan pa po ako." sabi n'ya at nilingon ako.

"Let's go?" tanong n'ya, tumango ako.

Pinagmasdan ko ang sasakyan n'ya paalis habang ginagawa ko 'yun at tinapik ni Ate ang balikat ko.

"Heard about the news. He'll fix it." sabi n'ya at pumasok na kami sa loob. Kakapit ako sa sinabi n'yang aayusin n'ya 'to ngayon, I really hope that this will end as soon as possible.

Nag-stay si Ate sa kwarto ko para makipag-kwentuhan at para na rin malaman kung totoo ba iyong mga naririnig n'ya sa balita.

"Gusto ko pa naman si Phoebe dati pero ngayon..." umiling s'ya "And I'm not sure kung totoo yung pagkagusto n'ya kay Dael or it's purely for her career." sabi n'ya habang nag-la-laptop. Nag-kibitbalikat na lang ako at humiga sa tabi n'ya, katatapos ko lang ayusin yung mga gamit ko at pagod na pagod ako dahil doon.

Pagkagising ko ay nasa tabi ko parin si Ate sa posisyon n'ya kanina, ginagamit parin ang laptop. Lumingon s'ya sa akin

"Gising kana pala, I booked a flight online for the both of us on Tuesday, next week." sabi n'ya kaya napatayo ako

"Bakit? Hinahanap na ba tayo ng agency?" tanong ko, nagkibitbalikat si Ate at tinignan ang phone n'ya

"I think so, kailangan kong mag-train ng maipapalit sa akin and saglit lang naman tayo doon. Tatapusin nating dalawa ang contract natin at uuwi rin." sabi n'ya, tumayo s'ya at sinara ang laptop.

"Sa baba lang ako ah? Nasa baba kasi iyong mga kaibigan ko." sabi n'ya at naglakad na papunta sa pintuan ko.

"And oh, if you'll go downstairs, make sure your clothes are decent." sabi n'ya at kinindatan ako. Nag-kibitbalikat ako at hindi pinansin ang sinabi n'ya, hindi naman ako lalabas ng kwarto.

Naligo ako at nagbihis ng sleeveless top and short shorts, this is what I wear on a lazy afternoon. Kinuha ko ang laptop ko at binuhay iyon, agad akong nakatanggap ng tawag galing kay Trigger sa Skype.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon