Kabanata 32

26.1K 611 26
                                    


Twitter: deliixxWP

Sinunod ko ang sinabi ni Dael, dinelete ko lahat ng accounts ko. Masakit man pero alam kong mas masasaktan ako kapag nakita ko iyong mga sinasabi nila tungkol sa akin. Tanging tinira ko lang ay iyong Instagram dahil hindi ko kayang idelete yun lalo na't nandoon lahat ng memories ko kasama sina Trigger at iyong mga kaibigan namin sa US atska nandoon rin yung pictures ko sa modelling kaya hinding hindi ko iyon idedelete. I'll just make it private para exclusive lang iyon sa mga nakakakilala talaga sa akin.

Nandito kaming dalawa sa balcony, pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Pumasok ulit ako dahil dumating na ang inorder kong mainit na kape at tsaa sa restaurant sa baba. Nilapag ko iyon sa mesa sa balcony, pinagmasdan n'ya ako at nginitian bago binalik ulit ang tingin sa dagat.

He's thinking about the issue, he said he will solve it at alam kong iniisip n'ya na ngayon kung ano ang gagawin n'ya.

I took my phone out of the pocket of my cardigan and took a picture of his back with the sunrise. Napangiti ako sa ganda ng pagkakakuha.

I post it on Instagram, naka-private na rin iyon kaya okay lang. At gusto ko ring ipakita sa mga kaibigan ko sa US na nagtatanong kung sino daw ang boyfriend ko, alam kong tinanong nila kay Trigger, na nasa US na, wala s'yang alam sa nangyayari sa akin dito sa Pilipinas dahil hindi ko na s'ya natawagan simula nung pumunta kami dito sa Cebu.

Agad kong nakita ang comment ni Trigger doon.

Trigger Mondragon:

Who's that man?

Agad na nagsi-comment ang mga kaibigan namin, tinutukso s'ya sa pagiging busted. Natatawa na lang ako doon dahil pinapatulan n'ya ito at nagkukunwaring apektado. Nilingon ako ni Dael, nagtataka kung bakit ako tumatawa. Umiling ako sakanya at tinago ang phone.

Humarap s'ya sa akin at nilahad ang dalawang braso sa akin, lumapit ako sakanya. Nakaharap kami sa dagat, nasa likod ko s'ya, yakap yakap ako. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat, hawak hawak ang magkabilang bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.

Napapikit ako, I would never trade him for anything else. He is my joy, he made me feel so alive. And damn, I can't imagine my life without him. After all these years, I'm thankful that I ended up with him.

"Are your luggage okay?" tanong sa akin ni Dael pagkapasok n'ya ng kwarto, tapos na s'ya dahil kaonti lang ang dala n'ya habang ako ay may hairdryer pang inaasikaso.

'Let me help you." aniya at lumuhod sa aking tabi para tulungan akong mag-ayos. May nahagilap s'yang puting bikini sa tabi ng aking luggage, kinuha n'ya iyon at ngumisi.

Agad ko iyon hinablot sa kanyang kamay, tinupi ko iyon at nilagay kasama ang mga undies ko. Feelking ko pulang pula na ang pisngi ko sa ginawa n'ya. I heard him chuckled atska ulit ako tinulungan sa paglagay ng damit.

Hinintay namin sa lobby ang sasakyan na kinuha ng valet. Kitang-kita ko mula rito sa inuupuan naming couch ang media na nag-fa-flash ng kanilang dala-dalang camera. Umusog ako palayo kay Dael at tumabi lalo kay Denise na nasa kabilang tabi ko, he looked at me. Umigting ang kanyang panga at lalong lumapit sa akin, he held my hands at lumapit sa akin.

"Why are you staying away from me? I can handle them, we can. Kailangan na rin nilang masanay sa atin." sabi n'ya at hinalikan ang aking kamay

"Hayaan mo na sila, Vee." sabi ni Denise sa aking tabi at tinapik ang aking balikat

Dumating na ang mga valet na dala ang mga sasakyan namin, bale 4 ang sasakyan. Isa sa amin, kina Clay, Hero at Alexis. Pagkalabas namin ng pintuan ng restaurant ay lalong bumilis ang pag-click ng camera sa paligid. Mabilis kaming nakapunta sa gilid ng sasakyan, kinuha ng valet ang aming bagahe habang si Dael ay pinagbuksan ako ng pintuan at umikot s'ya para s'ya naman ang makapasok.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon