Kabanata 37

26.9K 627 84
                                    

WARNING: SPG



Agad na kaming lumayo doon, hawak hawak ko ang braso ni Daelan. Ilang beses ko na rin nakitang umigting ang panga n'ya, nilingon ko ang paligid para makita si Ate.


Nataranta ang mga kaibigan ko nang marinig ang nangyari sa dancefloor, nagsitakbuhan yung iba papunta kay Zac at yung iba naman ay sa amin at kasama doon si Trigger.


"What happened?" tanong n'ya at sumulyap muna kay Daelan na mainit ang ulo at binalik sa akin ang tingin


"Zac ass-fucking-hole happened." matigas na mura ni Daelan at sumalampak na s'ya sa sofa. Agad n'yang inubos ang isang shot ng Jack D na nasa mesa.


"Did Zac forced you?" tanong n'ya at hindi agad ako sumagot "Sinabi ko na sakanyang umuwi na e! I'm sorry, Vee. Alam mo namang gusto ka n'yan simula pa lang, bakit kasi di na lang s'ya sa akin magkagusto?" sabi ni Trigger at umiling-iling ito.


Umupo kami sa sofa kasama ang ilang naming kaibigan, may nagtanong sa akin pero si Trigger na ang sumagot. Nilingon ko si Daelan na tuloy tuloy pa rin ang pag-inom ng liquor.


"Daelan, stop drinking." sabi ko at kinuha sakanya ang shot na dapat iinumin n'ya. Bumugtong hininga s'ya at inakbayan ako.


"Don't leave my side again, okay?" aniya at hinaplos ang pisngi ko, tumango ako sakanya. Sa sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin ay naaamoy ko na ang hininga n'yang amoy alak.


"I won't, okay? Nag-cr lang naman ako kanina, hindi ko ineexpect na nandoon pala s'ya." Hinarap ko s'ya


"I know buti na lang talaga at sinundan kita at napigilan ko yung mokong na 'yun kundi makakapatay ako ng tao. Pasalamat s'ya at 'yun lang ang nakuha n'ya." sabi n'ya at umigting ang panga n'ya


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at mabilis na hinalikan ang labi n'ya.


"What's that for?" tanong n'ya, may ngiti sa labi


"Para mawala yang galit mo."


"Bad news, galit parin ako." sabi n'ya nang nakangisi.


"Galit? E ngumingisi ka nga d'yan." sabi ko, agad namang s'yang sumimangot kaya hinampas ko s'ya sa dibdib.


"Para paraan ka ah!" sabi ko at tumawa


Ilang sandali kaming nag-asaran, nalaman ko na lang kay Trigger na hinatid na ng mga kaibigan naming lalaki si Zac. Lasing daw kaya ganun, nag-sorry yung mga kaibigan ko for Zac's fault at nginitian na lang sila ni Daelan.


The party is at it's peak kaya unting-unting nagsisialisan ang mga kaibigan namin sa table para makapunta sa dancefloor, naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Daelan na nakatapos sa likod ng sofang inuupuan ko. Nilingon ko s'ya, nilapit n'ya ang labi n'ya sa tenga ko


"You want to dance?" sabi n'ya, umayos ako ng upo at hinarap s'ya


"Is it okay to you? Madaming tao doon, Dael." sabi ko at nilingon ang dancefloor na crowded.


"It's okay, as long as you're with me." sabi n'ya at tumayo. Nilahad n'ya ang kamay n'ya para sa akin at tinanggap ko iyon.


Magkahawak kamay kaming pumuntang dancefloor. It's nostalgic, alright. It makes me bring back memories, memories where I was dancing on the dancefloor with Denise and he's on the stage, singing. I miss that feeling. Simula nung bumalik ako sa Pilipinas ay hindi ko pa s'ya nakikita sa stage, except doon sa Boracay na kailangan kong mag-trabaho. Iba iyong feeling na nasa dancefloor ka, sumasayaw, habang si Daelan naman ay kumakanta at nakatitig sa'yo.


Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon