Kabanata 3

35.6K 1K 113
                                    



Nataranta ako nung nakita ko ang signage na 'yun. Papasok na sana ako pabalik sa hotel ng biglang may humawak sa braso ko.

"Where do you think you're going?" sa boses palang na malalim ay alam ko na kung sino, ang baklang sa tingin ko ay sisira ng gabi ko

"Inside?" patanong na sabi ko at hinarap s'ya

"No girl, everybody is enjoying here." sabi n'ya at hinila ako pero pilit kong tinatanggal ang kamay n'ya sa braso ko

"Trigger, sabing ayoko ko." sabi ko at pilit paring tinatanggal ang kamay n'ya

"Bakit? Dahil ba nandoon ang ex mo?" tanong niya ng nakataas ang kilay

"No, i'm just tired." sabi ko at nagkunwaring nanghihina

"Kung talagang hindi, join me there." sabi n'ya at hinila ako, ni hindi man lang n'ya ata narinig ang dahilan ko

Gusto kong mag-protesta kaso nung naamoy ko na ang usok ay natulala ako, I'm used to this kind of scent when we are in the States but this one is different. Parang bumalik ang alaala ko noong freshman palang ako.

"Trigger, ano ba." 'Yun lang ang tanging salitang lumalabas sa bibig ko nung nakapasok na kami.

"Jayne!" tawag sa akin ng mga kasama naming model. Kinawayan ko sila nung palapit na kami sa sofang nakapabilog at may table sa gitna.

Simula nung sinamahan ko si Ate sa work n'ya as assistant manager noong Junior ako ay Jayne na ang tawag nila sa akin. Hinayaan ko na lang silang tawagin nila akong ganoon para naman di ma-stock ang second name ko.

Kaya kapag nag-momodel na ay Jayne ang nakalagay sa mga magazine. Di ko alam pero nakasanayan ko na ring tinatawag nila akong Jayne kesa sa Venice, it feels like I was reborn everytime they call me using that name. Tanging mga close friends ko lang tulad ni Trigger ang tumatawag sa akin ng Venice.

"Pakilala mo ako kay Hero mamaya ah?"

"Di na s'ya kasama sa banda." simpleng sagot ko at nilabas ang phone ko para hindi ako ma-out of place sa mga kasama naming may pinag-uusapang lalaki

"Sino ba yang Zander na 'yan at kanina n'yo pa pinag-uusapan?" tanong ni Trigger sa mga kasama namin

"Just a super hot man we saw ealier." simpleng sagot ni Mycah, ang medyo bitchy sa amin

Agad akong tinignan ni Trigger, umiling ako dahil alam ko na ang iniisip n'ya.

Kinalkal ko ang instagram account ko na puro mga larawan ng mga napupuntahan ko at ang tanging matinong picture ko lang ay yung dalawa kami ni Trigger na nakatawa pero yung mukha ko ay natakpan ng mahaba kong buhok.

Tinignan ko naman ang account ni Trigger na sinasabi n'yang nilike ni Hero, natawa ako nung binlur n'ya ang mukha ko with caption - Making my night awesome with someone ugly.


"Fuck you, Trig." sabi ko sakanya at natawa s'ya nung nakita n'ya ang sariling caption n'yang kappost lang

"It's okay, alam naman nilang ikaw 'yan dahil nakatag ka at biruan lang natin 'yan." sabi n'ya at tumawa. "I blurred it dahil mayado kang maganda dyan, masasapawan ako."

"That's the reason why we're thinking that you two are in a relationship." sabi ng kasama naming brazilian na si Ale. Napatingin ako kay Trigger na nakapatong ang braso sa itaas ng sofa at mukhang nakaakbay sa akin.

"There's no malaise between us." sabi ko sakanya at kinibit balikat na lang n'ya 'yun na para bang hindi s'ya naniniwala

"Sabihin na kaya natin yung totoo? Para naman di nila mapagkamalang tayo, kadiri kaya!" sabi n'ya, di kami naiintindihan ng mga kasama naming foreign kaya okay lang kung isigaw n'ya at masyadong maingay ang tugtog kaya di naririnig ng kabilang table.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon