Kabanata 25

29.7K 702 60
                                    

"Kayong dalawa! Tumayo nga kayo dyan! Naasiwaan na ako sa pagiging sweet nyo!" sabi ni Denise na kababalik lang sa table namin, galing syang dancefloor.


Umikot sya sa table dahil pabilog ang sofa kinuha namin, hinawakan nya ako sa kamay at tinayo. Ang kamay ni Dael na nasa bewang ko kanina ay ngayon ay wala na.


"At ikaw naman Dael! Wag mo namang ipagdamot sa akin ang best friend ko! Sayong sayo lang naman sya 'e." Humalakhak si Denise nung sinabi nya yun. Ngumisi lang si Dael sa sinabi ni Denise at nagpamulsa. Nagpahila na lang ako kay Denise papuntang dancefloor at doon ko nakita si Clay na hinihintay kaming dalawa.


"I'm worried about Dael." Sabi ko dahill iniwan namin syang magisa doon sa table. What if may lumapit sakanyang babae?


"Oh bakit ang tahimik mo? Kung iniisip mo si Dael, ayan na sya." Sabi nya at nginuso ang nasa likod ko.


Hindi pa ako nakakalingon ay naramdaman ko na ang kanyang mga kamay sa bewang ko. May mga babaeng tumitigil sa pagsayaw para pagmasdan si Dael. Humarap ako sakanya, ni hindi man langg n'ya napapansin ang mga babaeng nakatitig sakanya. He is busy looking at me kaya hindi na n'ya napapansin ang mga babaeng unti-unting lumalapit sakanya.


"Dito ka lang sa tabi ko, I can't bear seeing you dance without me lalo na't maraming lalaking nag-aabang dyan." Aniya at may tinignang masama. Nilingonn ko kung ano o sino iyong tinignan nya, lalaking merong sigarilyo sa bibig at may kasayawang babae na nakatingin sa amin.


"Oh please." Bulong ko, kung alam lang nya na maraming nagaabang sakanya sa paligid namin


Konti lang ang ininom ko at puro vodka lang, hindi katulad sakanila na tequila. Wala rin ako sa mood na uminom and my night and hang over the next morning life were done.


"Dael, remember mag-d'drive ka pa." paalala ko nung nag-shot sya ng tequila. Ngumiwi sya saglit bago sagutin ako.


"I know at ayoko rin namang mawala ka sa paningin ko dahil lang sa kalasingan ko." Sabi n'ya at pinatong ang braso sa likod ko, particularly sa sofa.


Madaling araw na nung nagkayayaan na kaming umuwi dahil maaga pa daw bukas, doon ko lang natandaan na mag-b'beach pala kami. Buti na lang at meron akong dalang two-piece pero mga extra clothes, wala... Sakto lang para sa reunion namin.


Sinabi ko iyon kay Denise at sinabi nyang hindi iyon problema dahil pwede naman daw kaming pumuntang ACC at doon na ako mamimili ng damit. Sumangayon ako sakanya at pumasok na sa aking suite at ganoon rin s'ya.


Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa breakfast na inihanda ng mga kamaganak naming dito rin natulog. Kasama ko sina Daddy, Mommy at Ate sa isang table. Hindi ko na ginising sina Clay, Denise at Daelan na nasa ibang suite dahil alam kong inaantok sila dahil ako mismo ay pilit na nilalaban ang antok para hind imaging bastos sa harap ng hapagkainan.


"Vee, where's your cousin? He texted us last night na nandito sila kasama sina Denise at Daelan." Sabi ni Mommy habang pinupunasan ng table napkin ang bibig n'ya

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon