Kabanata 2

39.9K 1K 151
                                    

After many weeks of waiting... Enjoy reading! :)

Twitter: deliixx_

Ilang araw na ang lumipas at di ko mapigilan ang sarili kong mag-isip sa gaganapin na event next week. Mas iniisip ko pa ang fashion show kesa sa graduation na matagal ko ng  hinihintay. Wala na kaming ginagawa at kompleta na ang lahat ng requirements ko, ang rason lang kung bakit ako pumapasok ngayon ay para kay Trigger na araw-araw nag-hahanap ng lalaking mabibiktima nya.

"You're thinking deep." Nagising ako sa pagkatulala nung nag-salita si Trigger na kanina pa talak ng talak tungkol sa lalaking kausap nya kanina.

"Huh?" tanong ko at tinignan s'ya.

Binagsak nya ng marahan ang ipad nya kung saan nasa screen ang profile ng lalaking kausap nya kanina.

"I've been talking here for almost 20 minutes in vain!" sabi nya at tumayo, inayos ang well-cut pushback nyang buhok.

"Let's just go, hahanapin ko pa kung anong course ni Gian." Sabi nya at inayos ang bag nya at itinayo ako.

"Hi Trigger!" bati sakanya ng grupo ng mga freshman na babae na nadaanan namin sa hallway, hindi ito pinansin ni Trigger at nag-patuloy lang ito sa pag-lalakad.

Natawa na lang ako sa kinilos nya sa mga babae. Kapag lalaki yan baka yakapin nya pa kayo sabay bati ng 'hi'.

Ginugol namin ang buong oras namin sa pag-hahanap sa lalaking may pangalang Gian, pumunta kami sa iba't ibang building hanggang sa mahanap namin sya sa gym kung saan nag-lalaro ang volleyball varsity team.

Nakita ko si Gian doon na nag-lalaro kasama ang mga kakilala kong schoolmate na kasunduan ni Trigger pag-dating sa mga lalaki. Siya ang huling nag-spike at hindi iyon nasalo ng kabilang team, pumalakpak sya at tumalon pero nanlaki ang mga mata ko ng tumili sya. What the fuck?

Tinignan ko si Trigger na laglag ang panga.

"What now? Kauri mo pala sya, sayang ang pagod na ginugol natin sa paghahanap sakanya." Tanong ko pero di parin sya nag-sasalita, hindi nya parin maproseso ang nakita nya ngayon.

"Let's go." Sabi ko at inalalayan sya sa labas. Unang beses ko syang nakitang ganito katahimik.

"Another heartbreak in just 40 minutes." He said and frowned. Poor Trigger, sabi ko sakanya maglalaki na lang sya dahil maraming mag-aadvantage sa tulad nyang atat mag-inlove sa isang lalaki.

Nag-stay na lang kami sa bahay dahil wala na daw siya sa mood mag-boy hunting, natrauma ata sa nangyari.

"Kaloka! Di ko na feel na kavibes ko pala yung beking yun. Bakit di ko napansin?! Yan tuloy, nganga ako kanina nung nalaman kong beki sya." Sabi nya at hinawi ang nakawalang bangs ng pushback hairdo nya.

"Buhay nga  naman. Oo at maraming gwapo sa mundo, taken naman at yung iba naman gwapo rin ang gusto. Ugh!"

"Parang ikaw?" tanong ko sakanya. Inisnob nya ako at nag-patuloy sa paglalakad patungo sa kwarto ko.

"What's with the luggage?" tanong nya nung nakita nya ang maleta sa tabi ng kama ko

"I'm leaving US." Sabi ko, malungkot ang tono

"Where to? Vacation nanaman ba?"

"Philippines." Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

"Sasama ako! I've never been to Philippines!" excited na sabi nya at doon ko lang naalala na parte talaga sya sa pag-punta sa Pilipinas dahil isa sya sa mga photographer.

"Wait, I thought you'll never go back to that country? Did you move on and want some revenge?" tanong nya, umiling ako. No... Never akong nag-isip ng revenge laban sakanya, sakanila... Yes, sila ang naging motivation ko kung anong meron ako ngayon pero hinding hindi ako nag-isip na gumanti sakanila.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon