Kabanata 22

28.1K 725 53
                                    





Kumalma na rin si Dael pagkatapos ng ilang minuto, I will seriously punch him kung nagpatuloy sya sa pagtitig ng masama kay Lau

Nagpadeliver sina Clay ng pizza pagkatapos ng practice nila. Mabilis naubos ng mga lalaki ang box nila habang kaming mga babae ay hindi pa nakakalahati ang aming box.

Tumabi sa akin si Dael, yung mga babae naman ay pumunta kina Alex

"Let's go out." Bulong nya sa akin "I still don't want to see his face. Can you please join me outside?" Aniya sa mahinahon na boses. Tumayo sya at nag lahad ng kamay sa akin, hinihintay na hawakan ko iyon

Nilingon ko si Denise na natuon sa amin ang pansin at nakangisi na parang narinig nya ang pinagusapan namin ni Dael. Tumango sya "Enjoy." Aniya ng nakangisi parin. Napataas ako ng kilay, parang may ibang meaning yun ah

Hindi na hinintay ni Dael na hawakan ko ang kamay nya, siya na mismo ang humawak dun at itinayo ako

"Labas lang kami, dude." Aniya kay Clay, hindi nya nilingon si Lau. He's really mad huh?

Tumango naman si Clay ng nakangisi rin "Sige dude, hindi pwede sa kwarto ah? Tandaan mo pinsan ko yan." Napapikit ako ng mariin sa sinabi nya. What the fuck, Clay?

"I won't." Simpleng sagot naman nya at sinarado ang pintuan

Bigla tuloy naging awkward, lecheng Clay!

Umupo kami ako sa duyan sa garden nila Clay, kumuha muna kami ng pagkain sa kusina bago pumunta dito

Pinaglalaruan ko ang mga damo sa baba ng aking paa, I don't have an idea to start this conversation.

Pinapaikot ko sa aking kamay ang aking phone ng biglang umilaw ito. Tinignan ko ang nag-call

"Trigger Mondragon" sabi ng katabi ko, binabasa ang caller sa phone ko

"What's up with you and him? Do you have a relationship kaya gusto mong maging magkaibigan lang tayo?" Aniya. Gusto kong matawa sa sinabi nyang may relasyon kami ni Trigger pero ang sinseridad sa kanyang mga mata ay pinipigilan akong gawin iyon

"We're just friends, Dael." Sabi ko, walang balak na sabihin sakanya ang totoo

"What are we then? Friends rin ba?" Nagkibit balikat ako sa tanong nya. Damn!

"Then what Venice? Kasi kung ako ang mag dedesisyon para sa ating dalawa ay matagal na tayong nagkabalikan." Muli, nagkibitbalikat ako sa sinabi nya

"I don't know, Dael. I've been hurt and tried to forget you for 4 years."

"How can you do that? How can you forget me when I'm here waiting for you to come back?" Aniya nakatitig sa aking mga mata, as if he was waiting for me to answer those questions.

"It's just I'm hurt and I really don't know how to stop my heart from aching everytime I think of you and our memories."

"Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit yung naramdaman ko noon. It feels like my whole body lose itself. Parang may parte sa aking gumuho at ayaw ng mag process ulit. Kaya noong sinabi sa akin ni Daddy na sumama daw ako kay Ate sa France ay hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya. I want to finish my study there for greater opportunity and at the same time to fix myself. To fix all the wounds that you gave."

Wala syang ginawa kundi tumango, nag bugtong hininga sya ng malalim

"I also lost someone that time, I lost someone who was always there for me. I lost the person I love... I lost you Venice." Hinawakan nya ang pisngi ko, titig na titig ang mga mata nya sa akin

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon