Kabanata 19

30.2K 838 37
                                    

Follow me on Twitter: @deliixxWP

Kinabukasan, maaga akong nagising para kausapin si Dad about sa Daelan na tinutukoy nya kagabi pero pag dating ko sa kusina ay wala na akong naabutan.

"Manang, sina Dad?" Tanong ko kay Manang na naghuhugas ng plato

"Kakaalis lang hija, may meeting daw." napapikit ako ng mariin sa narining ko

Umakyat ako sa kwarto na bigo, tinext ko si Dad kung anong oras sila uuwi or kung uuwi ba sila

Binuhos ko ang oras ko sa kakanuod ng mga movies na nakapalabas sa hbo or star movies hanggang sa nag text si Clay at pinapapunta ako sakanila mamayang gabi para daw sa bbq party ng banda nila sa successful na gig nila

Binuhos ko na lang ang natitirang dalawang oras ko sa kakapanuod ng Dear John na kapapalabas lang sa Star Movies

10 ng umaga nung nakapunta ako kina Clay, agad kong hinanap si Denise pero di ko sya nakita kaya hinanap ko na lang si Clay para tanungin sakanya kung nasaan si Denise

Napapalibutan sya ng mga lalaki at babae, yung mga iba kilala ko as classmates ko sa ilang subjects

"Venice!" Sigaw nya nung nakita nya ako, tumayo sya at lumapit sa akin

Isa isang lumingon ang mga kasama nya sa skin, may mga ilang bumati sa akin at yung iba laglag panga nung nakita ako. Nginitian ko sila bago ko binaling ang titig ko kay Clay na medyo lasing na.

Seriously? 10 in the morning lasing na sya?

"Nasaan si Denise?" Tanong sakanya at nagkibitbalikat na lang sya atska ako tinalikuran

Kumunot ang noo ko sa kilos ni Clay, nag away ba sila?

Agad kong nitext si Denise na pumunta dito dahil ang boyfriend nya ay nagpapakalasing

Agad naman syang nag text para pumunta dito pero nilinaw nya na ako ang rason kung bakit sya pupunta dito at hindi si Clay

Nakaupo ako sa couch sa sala nina Clay, ito lang ang lugar na hindi pwedeng pumunta ang mga bisita nya dahil sapat na ang garden para sa kanilang lahat, naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya nilingon ko sya pero imbes na mukha ang makita ko ay bouquet of roses na may tatlong sunflower ang bumungad sa mukha ko

Nakangiti ako at nakataas ang kilay nung hinarap ko si Dael na naka black polo naman at naka taas ang sleeves hanggang siko

Agad umunit ang pisngi ko nung napagtanto ko kung gaano sya kagwapo sa suot nya

"For you, baby." feeling ko pulang pula na ang pisngi ko sa mga ginagawa at sinasabi nya

Kinuha ko ang bouquet at isa isang tinignan, ang ganda talaga at halatang maganda ang pagaalaga sa mga sunflower na paborito ko sa lahat

"I will buy you flowers everyday just to make you smile and blush like this." Sabi nya at hinaplos ang pisngi ko, lalo tuloy uminit ang mukha ko at alam kong pulang pula na ang mukha ko

Unti unti ko syang tinignan at nakita kong nakatitig sya sa labi ko at ang kamay nya ay unti unting hinahaplos ang labi ko

Dahan dahan syang lumapit kaya napapikit ako, gusto kong maramdam ang labi nya na matagal ko ng namimiss, gusto ko ulit maramdaman na secured ako dahil sa mga halik nya

"No... I'm courting you, I should take it slow." aniya at umayos ng upo

God! Nakita nya akong nakapikit! Lalo tuloy uminit ang pisngi ko sa hiya.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon