Kabanata 21

29.5K 846 103
                                    

I DONT KNOW WHAT'S WRONG WITH WATTPAD. SA PHONE KASI AKO NAG UPDATE PERO PAG SA SITE NA MISMO PUTOL :(

But thanks to @KarenAnte who informed me about this chapter. :)

Tahimik akong umupo sa harap nya, inilayo naman nya ang phone nya at nilagay iyon sa bulsa

Di ko maiwasang mapatingin sa phone nya, agad na lang akong nag iwas ng tingin at tinuon ang pansin sa cake na hindi ko pa nakakalahati

Malaki ang ngiti nya nung tumingin sya sa akin habang ako ay di man lang makangiti kahit kaonti

Napansin nya ang pagkatamlay ko kaya kumunot ang mukha nya at inilapit ang mukha sa akin na para bang may sinusuri sya doon

"Do you want to go home?" Aniya, hilaw ko syang nginitian sabay iling. I don't want to be affected on what I heard

"Okay then." sabi nya at hinawakan ulit ang phone nya at inangat iyon ng konti. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa labas

"Damn pretty." aniya at binaba ang phone nya, kumunot ang noo ko. Who's pretty? That actress?

Hinayaan ko na lang sya at tinignan ang phone kong kanina pa naka-silent.

May text doon si Denise na nag tatanong kung saan kami pumuntang dalawa ni Dael, nireplayan ko syang pumunta kaming mall para manuod ng sine, tinanong ko sakanya kung okay na ba sila ni Clay.

Habang nag hihintay ako ng reply ni Denise ay tinignan ko naman ang ibang nag text, ang iba ay sa Viber at iMessage na galing sa mga kaibigan ko sa U.S.

Isa isa ko silang nireplayan, huli kong nireplayan si Trigger na may nakakaintrigang text

Trigger:
Open your damn Instagram!

I got curious so when I'm about to open my account ay yun naman ang pagsabi sa akin ni Dael. Sa gulat ko ay nailayo ko sakanya ang phone ko

"Who are you texting? Nasa harap mo naman ako ah." kumunot ang noo nya

"Just some friends in U.S." Lalong kumunot ang noo nya sa sagot ko

"Is there any boys?" Tanong nya at nag iwas ng tingin, tumango ako at tinignan ang Viber kong may chat ni Zac at ibang kapwa kong modelo

"You have so many guy friends." aniya habang tinitignan ang phone ko

"Can you just unfriend them para ako lang?"

"That's hard to do Dael and isa pa, diba ayaw mong maging kaibigan kita?" Ngisi ko

"Diba doon naman naguumpisa ang may boyfriend, sa kaibigan? Kaya gusto kong ako lang ang kaibigan mong lalaki para ako lang ang makakuha ng puso mo." Tumawa ako sa sinabi nya, I can't believe Dael Tanhueco na hinahangaan ng lahat ay mag sasalita ng ganito

"You sounds like a 90's type suitor!" Halakhak ko, ang lalim kasi ng mga tagalog nya

"What's wrong? Am I not allowed to say something what's from my heart?" Aniya habang nakatingin sa akin, pinaglalaruan ang tinidor nya

Nagkibit balikat ako at nag iwas ng tingin, ayokong makipagtitigan sakanya, ayokong maulit ang nangyari sa sine dahil kung naulit iyon ay baka di na ako makabalik sa US.

Napatalon ako nung makarinig ako ng tili ng mga babae, they are around us! The amaze on their face while looking at Dael was speechless. Yung iba umiiyak habang tumili, seriously? That effect for a Daelan Tanhueco?

Hinawakan ni Dael ang kamay ko para maitayo ako at mailabas sa coffee shop. Cameras are around us, buti na lang at mabait ang mga guard ng coffee shop pati narin ng mall at tinulungan kaming makalabas ng payapa although I'm sure that they captured us holding hands!

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon