Kabanata 13

33.2K 958 58
                                    

Follow me on Twitter: @deliixxWP

Nagkaroon ng after party na sobrang kinatuwa naming lahat, kahit pagod kaming lahat sa naganap na fashion show ay may natitira pang enerhiya para sa gabing ito.

"For the successful fashion show!" Katapos ang mahabang speech nina Ate at ang ibang manager ay nag-cheer kami at humiyaw.

Kasama ko sina Nizzel na wild ngayong gabi. Yung mga ibang kasama naman namin ay may kasayaw na di namin kakilala. Nag tatawanan kaming pareho dahil sa sayaw ng isang di namin kilalang lalaki na sobrang weird.

Lumapit kami sa bukana ng maraming tao na wild na sumasaway. Lumapit kami sa DJ na kumakaway sa ere hawak ang kanyang mic

Kumindat sa amin ang gwapong DJ, nginitian ko sya pabalik pero etong si Nizzel ay sobrang kilig sa DJ.

"Damn those biceps! He's super hot!" Hiyaw nya at tinuonan na lang ng pansin ang DJ. Umalis ako sa tabi nya para hanapin sina Trigger o Denise.

Ng nakita ko si Denise na naglalampungan kasama si Clay sa sofa ay nag iwas ako ng tingin, ayoko silang maistorbo kaya hinanap ko na lang si Trigger na enjoy na enjoy kasayaw ang mga babae at lalaki.

Maskulado syang sumasayaw at kita ko rin dito na maraming babae ang nagpapacute sakanya. Kumaway ako sakanya pero imbes na si Trigger ang makapansin ay si Zac ang kumaway pabalik at nung ibababa ko na ang kamay ko ay lumapit na sya sakin

"Hey, why are you alone? Where's Nizzel?" Tanong nya sa akin at nilingon pa ang likod ko para makasigurado kung may kasama ba ako o wala

"Uhm... I left her with the DJ." simpleng sagot ko. Kumuha sya sa table nila ng mamahaling liquor at nilagay ito sa dalawang shot glass at binigay sa akin ang isa

Ininom ko yun at kinaway ang kamay ko dahil nadala ako sa trance music na pinapatugtog ng DJ.

Tinuon ko ng pansin ang mga co models ko na masayang sumasayaw at si Trigger na ngayon ay may pandidiri sa mukha nya habang kasayaw si Molly, kasamahan namin sa pagmomodelo.

Napatigil ako sa pag-sasayaw ng may naramdaman akong malamig na likido sa dibdib hangang sa tyan ko.

"Oh my God! I'm so sorry, Miss! Di ko sinasadya." natatarantang sinabi ng babaeng may hawak na wine glass na walang laman dahil napunta lahat sa katawan ko. What the hell?

Di ako makagalaw sa sitwasyon ko ngayon, ang puti kong tank top ay basang basa na ngayon.

Umalis sa tabi ko si Zac para kumuha ng tissue habang ako ay tulala parin hanggang ngayon. Napatalon ako ng biglang may nag bigay ng tissue sa harap ko. Tinignan ko sya, inaakalang si Zac pero si Dael ang humarap sa akin with his dark and addicting eyes.

Nakaigting ang panga nya nung di ko kinuha ang tissue na hawak nya.

"Kung ayaw mong punasan yan ay ako ang gagawa!" Aniya ng nakaigting parin ang panga, agaran ko namang kinuha ang tissue sakanya at pinunasan ang basang parte ng damit ko

"I'm really sorry..." patuloy na sinasabi ng babae pero tinaungan ko na lang sya

Nagpatuloy parin ako sa pagpupunas at wala mang bisa ang tissue na binigay nya, lalo lang ito kumalat.

"Fuck, bakit pa kasi nagsusuot ng ganyan." aniya at hinila ako sa maraming tao.

Rinig ko ang tawag ni Zac sa akin na kararating lang dala ang tissue.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sakanya at sinubukang kumalas sa pagkakahawak nya sa akin. Pero sobrang higpit kaya nagpadala na rin ako, ayoko ring bumalik doon ng ganitong sitwasyon.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon