Kabanata 29

26.7K 754 133
                                    

Tumulo ang aking luha habang nasa harapan ko parin s'ya, nakaluhod.

"You better say 'Yes' to his question or else, I will steal you from him." Rinig ko ang pagbabanta sa boses ni Hero, he's here, they're here. I'm sure they are hiding somewhere.

"Yes!" sabi ko at agad n'ya akong siniil ng matamis at malalim na halik

Naghiyawan ang mga kaibigan namin at unti-unting lumabas sa kanilang pinagtataguan, they are all here. I giggled when I saw sands on their clothes mukhang umupo at humiga sila sa buhangin para lang hindi namin sila makita

"I love you, Venice Jayne Martinez Tanhueco." he said and left a peck of kiss on my forehead

"I love you too, Daelan Joseph Tanhueco." sabi ko at niyakap s'ya

"Let's party! All drinks on Dael!" sigaw ni Clay at tinaas ang kamay n'ya at tinuro si Daelan.

Tumawa si Daelan at tumango, inakbayan s'ya ni Clay.

"Kahit hindi mo sabihin dude, gagawin ko." sabi n'ya at kumindat sa akin.

Habang kausap n'ya si Clay ay naglalakbay ang kamay n'ya sa aking bewang, uminit ang pisngi ko.

"You know what? Akala namin magiging fail itong proposal n'ya buti na lang at mababait yung mga tao dito at hindi nila sinuway ang nakalagay na 'Do not enter' kundi, nako!" Sabi ni Denise at umiling

"Magagalit si Boss Dael, s'ya ang nag-arrange at nagpareserve sa lahat. Hindi ko alam na may tinatagong skill yang si Dael." sabi n'ya at humalakhak

"Plano n'ya ang lahat?" tanong ko, inisip ko kanina na tinulungan s'ya nina Denise sa pagaayos ne'to, yun pala ginawa n'ya ito lahat.

"Yup at yung pag-scuba diving natin kanina? Planado yun! Pati yung pagpunta natin dito sa Mactan Island ay plano n'ya. Libre n'ya lahat actually kaya game na game pumunta dito sina Alexis at Laurenz." halakhak n'ya.

"Let's go?" tanong ni Dael at muling ginala ang kamay sa aking bewang. Tumango ako at nilingon s'ya sa likod.

Mabilis kaming nakapunta sa bar, maraming tao doon at karamihan ay naka bikini at board shorts kagaya namin.

Tinanggal ni Denise, Eunice at Vanessa ang kanilang see-through


"Please don't take your see-through off, it will frustrate me." sabi n'ya at tumango ako. Wala naman akong planong tanggalin ang sa akin

"Good." sabi n'ya at hinalikan ang aking noo. Nag-order sila ng hard liquors, puro branded. May mga cocktails rin for us girls.

"Cheers sa malapit ng matali!" ani Clay at ninaas ang kanyang baso

"Cheers!" anila at tumawa

"Malapit ka na rin, gago!" sabi ni Alexis at tumawa. Nilingon ko si Denise at nasubaybayan ko ang pagpula ng kanyang pisngi

Ngumisi si Clay at dinikit ang kanyang index finger, pinapatahimik kami. It seems like he has a plan already at ayaw n'ya iyon pagusapan dahil narito si Denise.

Tumayo si Eunice at Alexis para sumayaw sa dancefloor, ganoon din ang ginawa nina Alexis at Clay kasama sina Vanessa at Denise. Tanging naiwan na lang sa table ay kami ni Dael at Hero.

Tumabi sa akin si Hero at nginitian, nginitian ko rin s'ya. Nilingon ko si Dael sa aking kaliwa at wala s'yang reaksyon doon. Mukhang okay na sila ni Hero.

"Congrats, dude." sabi n'ya kay Dael at ininom ang kanyang shot

"Thanks." sabi n'ya at ininom rin ang kanyang shot.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon