Kabanata 12

34.2K 934 101
                                    

Follow me on Twitter: deliixxWP

Agad rin akong nakatulog, dahil na siguro sa pagod sa nangyari buong araw.

Alas cuatro ang event kaya busy kaming lahat sa back stage. Nag kukwentuhan pa kami ni Nizzel habang hinihintay ang mag-me-makeup sa amin.

Kabadong kabado ako sa mangyayari mamaya pero hindi ko yun pinapahalata dahil lalo lang akong kakabahan.

Nung dumating na ang make-up artist ay agad akong umayos ng upo. Nakipag-beso sya sakin, sya ang nag aayos sa akin simula pa noon.

"What's with those dark circles?" Maarteng tanong ni Vicki, ang baklang make-up artist ko ngayon

Tinutukoy nya iyong eye bags ko, sisihin ang bokalistang kakanta mamaya sa stage. He gave me sleepless night at sya ang sisisihin ko kapag nagkamali ako sa lakad ko mamaya.

Pinapakit nya ako para maglagay ng kung ano ano sa mukha ko, inayusan nya rin ako ng buhok, wavy at bouncy ang ayos ko ngayon tulad sa ibang kasamahan ko.

Sinuot ko ang two-piece na naka-assign na susuotin ko, fit na fit ito at kitang kita ang cleavage ko.

May pinakita sa akin si Vicki ng bote at pinahid nya sa legs ko

"This will make your body tan and will make the audience to scream your name." hinayaan ko na lang si Vicki sa pagpahid ng hindi ko matukoy na likido sa katawan ko dahil nakatuon ang pansin ko sa screen kung saan kita ang mga audience at mga kilalalang tao.

Huminga ako ng malalim at pumikit

Kaya mo 'to Vee, mas marami pang audience ang nanuod sa inyo last time kaya hindi na bago sayo 'to.

Pagkadilat ko ng mata ko ay namataan ko kaagad ang mga mata ni Dael na matalim na tinitignan si Vicki na busy sa paglalagay ng likido sa tiyan ko.

Napakagat ako sa labi ko at pinigilan si Vicki sa ginagawa nya

"That's enough, Vi. I think it's too much." sabi ko para tumigil na sya. Salamat naman at tumigil sya at pinagtuonan na lang ng pansin ang buhok ko. Sinuot ko na ng tuluyan ang bath rode na kulay black na kanina ay konting nakabukas dahil sa ginawa ni Vicki.

Lumingon ako sa lalaking naka-tingin sa amin kanina na ngayon ay nakikipag-tawanan sa ka-banda pero nakatitig parin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at sinulyapan ang phone kong may text.

Unknown number:

"Why is he allowed to touch your skin like that?"

Sa paraan pa lang ng pagtext ay alam ko na kung sino. Saan nya nakuha ang number ko?

Ako:

"Coz SHE'S my make-up artist."

Inemphasize ko ang salitang yun para isipan nyang hindi lalaki ang umaayos sa akin ngayon

Agad kong nilingon ang phone kong may reply galing sakanya

Unknown number:

Kahit na, no one's allowed to touch whats mine

Ako:

I'm not yours.

Pagkatapos kong isend yun at nisave ko na ang number nya.

Dael Tanhueco:

Then I will make you mine again.

Napangisi ako sa nabasa ko, mine huh? Big word

Ako:

Try me.

Tumunog ulit ang phone ko pero di ko iyon nabasa dahil tinawag kami ni Ate kasama ang ilang managers na kasama namin.

Still Into You - SCSU: Venice IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon