C3

5.8K 310 16
                                    


Lahat kami pati na rin sila Jessica at mga minions niya ay nasa Infirmary.

Walang hiya yung minions ni Jessica!
Kinalmot pa ang braso ko kaya nagkapasa.
Napangiwi ako nung nakita ko ang natamo ko at inirapan yung mukhang kumalmot sa'kin.

Buti na lang din at nandoon si Sky at pinagtanggol kami kaya natigil sila.And speaking of Sky,kinilig ako kanina!Oh my god!

Hindi ko kasi akalain na ipagtatanggol niya ako,I mean 'kami'.Pero kahit naiinis ako sa kina Jessica ay hindi nawala ang ngisi ko.

"Shit ka talaga Jessica!kung hindi ka sana nanguna ay hindi nagkaganito!"
Asik ni Chess sa kabila.

"Tsh,huwag mo na lang 'yan pansinin Chess baka mauulit na naman."
Sita ko kaya natahimik siya.

Inirapan lang kami ni Jessica at mga minions niya.

"Huhuhu!galit sa akin si baby Sky!"
Maarteng usal ng sumabunot sa akin kaya napangiwi ako.

Ang arte.Buti nga sa'yo.

Pero napangisi nalang ako kase naaalala ko na naman si Sky.

"Let go of her."

"S-sky..."
Nauutal na sabi ng babaeng sumabunot sa akin.Napatigil din sila Jessica at nagulat sa pagsulpot ni Sky.

Gulat din ang mga tao sa cafeteria.
Biglang tumayo ang balahibo ko nang tumingin si Sky sa'kin pababa sa braso kung may sugat.

Bigla niya itong tiningnan kaya mas nagulat pa kami.Is he concern?!sa akin?!

"You should go to the Infirmary right now,may pasa ka.Kayo rin."
Swabeng usal ni Sky sa amin.

"Sky I'm so sorry."
Paumanhin ni Jessica.

Hindi nakinig si Sky sa sinabi niya dahil umalis na ito at kita kong umupo na siya at nagpatuloy sa pagkain.

Bigla akong nagulat nang magkatinginan kami ni Cloud na katabi lang din ni Sky kaya agad kong hinila sila Chess na pumunta na sa Infirmary.

"Sash!Tara na."
Aya ni Polene kaya umalis na kami doon kasama sila Chess at Karina.

"Alam niyo,ang sarap pa ring sabunutan nung hipokritang iyon!Nanggigigil ako bwesit!"
Naiiritang si Chess.

"Chill,inom ka muna ng tubig"
Binigay ko sa kaniya ang mineral water.

"Thanks,"
At ininom niya iyon nang bigla akong yugyugin ni Karina.

"Oh my God!Sash!Pinagtanggol ka ni Sky!hindi kaya may gusto yun sa'yo?!"
Tili ni Karina at nagpapadyak pa.

Gusto ko ring kiligin at ngumiti pero hindi ko gustong magpahalata ano.

"Ano ka ba,pinagtanggol niya 'tayo'.Hindi lang ako tsh."
Sagot ko.

Ngumiwi naman si Polene.

"Eh bakit mukhang concern lang sa'yo at hindi sa'min?May gusto sa'yo yun for sure!"
Paninigurado ni Polene..

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na magtanong.

"Talaga?"

"Obvious naman eh."
Kiniliti pa nila ako at ayun,hindi ko na mapigilan ang sarili kong kiligin rin.

Nako Sash ang landi mo!

"Huwag nga kayo baka umasa pa'ko."
Asik ko sa kanila kaya humalakhak sila.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon