C8

3.8K 238 6
                                    



Malapit na akong mag iisang buwan dito sa EU.Ganoon pa din ang pakikitungo ko sa napaka sungit na si Cloud at mas lalong tumatagal ay mas nahuhulog pa ako kay Sky kahit na minsan ay nasasaktan ako.

Alam mo 'yun?Dahil sa pagkagusto ko sa kaniya ay nagiging stalker na ako.Lagi ko siyang sinunsundan ng patago lalo na't pumupunta siya sa Music Theater.

Eto namang si Cloud,panay inis sa akin.Sa lahat na lang na kung saan ako ay nandoon siya.Hindi niya naman iyon sinasadya,sadyang malas lang talaga ako kase parati ko siyang nakikita kaya paratin din kaming nag-aaway.

Kababago lang nagtapos ang klase namin sa umaga.Kita ko si Chess na nakaupo lang at nakasimangot.

"Oh?Bad mood ka yata?"
Tanong ko.

Umirap muna siya sa kawalan bago niya ako sinagot.

"Si Jack kasi!Nakakainis!"

"Ano ba meron sa kan'ya?"
Tanong ko ulit.

"Nakita ko siyang may ka-akbayan kanina!"
Nakasimangot siya.

"Wala namang problemang may inaakbayan ah?"

"BABAE YUNG KAAKBAYAN NIYA SASHA!BABAE!"
malutong niyang sigaw.

"Oh e...bakit ka nagagalit?Hindi ba ay ayaw mo kay Jack?E ano ngayon?May gusto ka sa kaniya 'no?"
Nakangisi kong tanong bago lumapit sa amin si Karina.

Wala si Polene ngayon,nagkasakit kasi siya.

"Anong problema?"
Bulong ni Karina nang lumapit siya sa akin.

"NAGSESELOS 'YAN."
parinig ko kay Chess na nakangiwing nakatingin sa akin.

"Hindi ah!"

"Bakit ka nagagalit kung may kaakbayan si Jack?Edi selos 'yan Chess!Selos!"

"Pakipot ka pa kase sa kan'ya!Poor Jack,dalawang buwan na siyang nangungulit sa'yo.Halatang interesado talaga sayo."
Sabi ni Karina.

"Oo na!Nagseselos na ako!Gusto ko na siya okay?Kahit clingy 'yun!"

Huli pero 'di kulong!

"Magpahangin na nga muna tayo para maibsan 'tong pagseselos mo."
Panunukso ko.

Lumabas kami sa classroom at bumaba gamit ang elevator.Nagpahangin muna kami sa harden at umupo sa may bench sa harapan ng fountain.

"Ano?susugurin ba natin si Jack kasama ang babae?" Karina asked playfully.

"Huwag na.Pabayaan na nating lumandi 'yun!"
Napipikon niyang sagot.

"LOVE OF MY LIFE!!!BABY CHESS KO!NANDITO KA LANG PALA,HINANAP KITA SA CLASSROOM NIYO PERO WALA KA PALA DOON!"
Napatingin naman kaming tatlo sa sumigaw.

Si Jack na akmang lalapit kay Chess at akmang yayakapin niya ito nang biglang tumayo si Chess at tinulak ang mukha ni Jack para hindi makayakap kaya natawa kami ni Karina.

"YAKAP LANG E!"
nakangusong si Jack at akmang yayakap ulit.

"Hindi pwede!Doon ka sa babae mo!"
Nagtataray na si Chess.

Nakatayo lang kami ni Karina at pabalik-balik ang tingin namin sa dalawa.

Love quarell nga naman.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon