C4

5.2K 285 49
                                    



"Nasaan mo ba kase naiwan yun Sash?"
Tanong ni Karina.

Sinabi ko kase sa kanila na nawala iyon kanina, kaya tinulungan nila akong hanapin 'yung kwintas ko.

"E-ewan ko,basta nalaman ko na lang kanina na nawala..."
Sagot ko habang abala sa paghahanap sa ilalim ng desk ko.

"Wait,parang nakita ko na!"
Sigaw ni Chess.

Thank goodness!

Masaya naman akong lumingon kay Chess at lumapit sa kaniya.

"Ay ,lubid lang pala sorry."
Nakangusong si Chess at nag peace sign sa akin.

Napangiwi nalang ako at napailing.Kahit kailan talaga.

"Sira ka talaga kahit kailan Chess!"
Halakhak ni Polene.

"Sira ka din naman ah!"

"Wait,'diba kanina?yung lugar kung saan nandoon si Sky..."
Bulong ko sa sarili ko nang maalala iyon.

Agad naman akong humakbang papaalis sa classroom.

"Oh?"

"Kita mo na?"

"Hindi!Hindi pa!Diyan lang kayo!"
Sigaw ko sa kanila,hindi ko na pinakinggan ang sagot nila dahil humarurot na ako papunta doon.

Hingal na hingal akong binuksan ang wooden double door at narealize ko na music club pala ito.

Hindi kaya kasali din si Sky dito?
Think about the necklace Sash!Importante 'yun.

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at in-on yung flashlight.

"Nasa'n naba yun?"

Hanap ako ng hanap bawat sulok lero wala pa rin.Hindi dapat na hindi ko makita,naiiyak na ako dahil kanina pa ako naghahanap pero wala pa rin.

Importante kase yun e,yung taong nagbigay sa akin ng kwintas na iyon ay espesyal kaya hindi pwedeng 'di ko makita!

"Bwesit!Nasa'n naba yun!lintek naman!"
Naiirita na ako.

Pinagpawisan ako kaya umupo muna ako sa seat.Yung upuan dito ay parang sinehan habang yung mga instrumento ay nasa stage.

Naghanap ulit ako matapos kong umupo.

"Nandito lang yun eh!"

"Hey,looking for this?"
Isang boses ang gumulat sa akin at nalaglag ang panga ko nung nalaman ko kung sino iyon sa paglingon ko.

Nilahad niya sa akin ang kwintas ko.

"N-nasa'n mo nakita 'yan?"
Agaran kong tanong at kinuha yung kwintas sa kamay niya.

"Ah, 'yan? dito sa sahig."
Sagot niya.

Alam kong si Sky iyon dahil medyo naaaninag ko ang mukha niya.

"Thank you pala,kanina ko pa 'to hinahanap e,"
Nakangiting sabi ko.

Ngumisi din siya sa akin kaya pumula yung pisngi ko.Oh my god!Ewan ko pero kinikilig ako!

Chill self,chill.

Ang bilis ng oras,kanina ko pa lang siya nakita pero crush ko na agad siya.Tama nga talagang may 'love at first sight'.

Bukod sa gwapo niyang mukha at katawan ay ang bait niya sa akin.

"Don't thank me.Magpasalamat ka sa kapatid ko.Siya kase yung naglahad sa'kin niyan.He was the one who saw that." Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at doon rin nalaglag ang panga ko dahil sa pagkakaalam na ang kakambal pala niya ang nakita.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon