C21

3.2K 240 60
                                    

"Morning!Pabili nga ng muta niyo."
Biro ni Karina sa'min.Natawa naman kami at napailing.

Nakahigang patagilid ang ulo ko sa desk habang ang dalawang kamay ko ay nagsisilbing unan.Inaantok pa talaga ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Natapos niyo na ang assignment niyo?"
Tanong ni Polene.

"Oo,ewan ko lang kung tama ang sagot ko.Uso kase sa'ken ang motto na importante buhay."
Ani Chess.

"Tama!" Pagsasang ayon naman ng mga baliw.

My eyes broaden in a second.Shit!Sa sobrang hinhin ko hindi pa pala ako nakasagot sa assignment.Hindi ako nakatulog dahil sa academics,there are things that really bothered me.

"Tamlay ng isa dito ah?"
They turned to me.Kanina pa kase ako tahimik habang nag-uusap sila.

Tumindig ako ng pagkaupo at nag stretching ng balikat.

"Kulang kase ako ng tulog e.Hindi pa nga ako nakasagot."

"Kopya ka nalang sa'kin!No prob!"
Tinaas-taas pa ni Chess ang kilay niya.I refused.

"Wag na,alam mo naman si Ms.Bruffa hindi ba?" I uttered.Kase kapag nalaman niyang may kaparehang sagot,edi mabubuking kami!

I stood up at kinuha ang bag ko.
"Punta lang ako ng library.Maaga pa naman kaya doon ako magsasagot.Bye!"

"Sabay kami?!"

"Bawal mga maiingay do'n!"
Natatawa kong sabi.

Nagpaalam na ako sa kanila at nagtungo sa library.Naupo ako sa dulo dahil walang masyadong tao.Nilagay ko ang bag sa upuan at nagpasyang kumuha ng related book sa math lessons namin.

After that bumalik ako sa upuan but guess what?May umupo!Nakatalikod kaya hindi ko alam kung sino.Nasa likod niya lang ako,hindi ko alam kung sino kase naka hoodie.

"Excuse me,ako nauna—?Elperes!"
Napalakas ang boses ko kaya ang mga taong tahimik na nagbabasa ay nakatingin sa banda namin.

Napapikit ako ng mariin at nag peace sign sa kanila.Inis kong binalingan si Elperes na natatawa.Mahina ko siyang binatukan kaya napahinto siya.

"Upuan ko 'yan,tabi!"
Mahinang sigaw ko.

Umusog naman siya sa upuan,katabi ko.

"Doon ka sa malayo!"
Tinuro ko ang bakanteng mga lamesa.Sa dinami-dami ng upuan dito pa talaga sa tabi ko?

He looked at me playfully.Handa ko na sanang awayin pero swerte siya dahil nasa library kami!

"No,gusto ko sa tabi mo."
Sagot niya,nakapamulsa pa.

Inirapan ko siya.Don't have a choice, ang tigas ng ulo.

I didn't mind him.Nilagay ko ang hindi pa nasasagutang assignment ko.Binasa ko din ang nasa libro.Pilit kong iniintindi ang mga examples sa problem pero hindi nakikisabay ang utak ko.

Ang hindi ko talaga sa matimatika.

Napakamot ako sa ulo ko at nilalaro ang ballpen.Ang hirap naman ng binigay o sadyang bobo lang talaga ako.Kahit hindi ako sure ay sinagotan ko na lang.Tama nga si Chess,importante buhay!

"What you doin'?"
Cloud asked at sinulyapan ang binabasa ko.Naglalaro siya ng online games habang naka kwatrong umupo.Chill na chill parang walang problema!Nakakainggit.

"Wala,"

"Pshhh,patingin."
Pangungulit niya pero umiling ako.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now