C7

3.9K 266 14
                                    


Sa sobrang excited ko ay agad akong pumunta sa fitting room para sukatin ang napili kong damit at skirt.

Sinuot ko na iyon.Tama nga ang sinabi ni Sky na bagay ito para sa akin!

Nang matapos na akong magsukat ay agad ko ng binili sa Cashier at lumapit sa kasama ko.

"Ang saya mo yata?"
Bungad na tanong ni Chess sa akin.

"Bawal bang maging masaya?"

"Hindi naman,halos mapunit na 'yang bibig mo kaka ngisi mo diyan."
Natatawang si Chess habang kinukulit ito ni Jack.

"Ano ba Jack!Huwag ka ngang lambing ng lambing sa'kin!"
Sita ni Chess kaya napatawa naman ako.

Bagay talaga sila,pogi din kaya si Jack,cute si Chess kaya bagay sila kaso mukhang napaka clingy ni Jack na ayaw naman ni Chess.

Nakita ko namang nakaupo lang si Sky sa gilid ng mga damit kaya napag desisyonan ko na lumapit sa kan'ya.

"Landi well,Jack!"
Panunukso ko at lumapit kay Sky na walang ginawa kundi umupo lang sa sofa.

"Oh?Wala ka bang binili?"
Mala anghel kong tanong.

He smiled.

"Pogi mo talaga..."

"Huh?"

"Ah wala, sabi ko ang ganda ko."

He laughed.

"Binili mo ba 'yun?"

"Ang alin?Ah eto?Oo!Bagay nga sa'kin."
Agaran kong sagot.

"Pero mas bagay tayo..."
Dugtong ko pa pero binulong ko lang sa sarili ko.Nakakahiya naman yata kapag narinig niya.

"Anong sabi mo?"

"Ah!Wala!Sabi ko bagay nga 'to sa akin."
Palusot ko.

"Sky!Now,bagay ba 'yung sinuot ko?"
Sumulpot naman si Savannah sa harapan namin.

Ni-head to foot ko siya.Naka white dress siya na halatang bagay sa kutis niya pero medyo hindi bagay yung design ng dress pero maganda pa rin siya.

"Maganda,Veigh."
Nakangiting si Sky at bigla namang namula si 'Veigh'.

Nanikip naman bigla ang dibdib ko.Ouch,sa harapan ko pa talaga.Edi siya na yung maganda.

Mukhang abala lang ako kaya umalis na lang ako doon.Nang makita ko si Cloud na naka tuxedo?!

Napanganga ako nang makita ko siyang naka black tuxedo.Sukat na sukat talaga sa kaniya.Aaminin ko,mas gumwapo at mas maangas pa siyang tingnan ngayon...

"Oh 'diba sabi ko sayo,bagay na bagay!"
Sabi ni Jack kay Cloud na ngayo'y nakatingin na sa akin?

"Bagay sa'kin kase pogi ako."
Pagmamayabang niya kaya napangiwi ako.

Yun na yun eh,napaka gwapo na niya pero ang problema ang hangin.

Nakita niya namang ngumiwi ako kaya agad akong umiwas.Hindi ko na malayan na lumapit siya sa sa akin.

"Gwapo ko 'no?"

Inis naman akong napatingin sa kaniya kaya napatingin napasulyap din siya sa akin habang nakataas ang kilay.

"Oh? tutol ka?" Tanong niya.

"Oo!"

"Huwag ka ng mahiya,alam ko namang na po-pogian ka sa akin e."
Humalakhak siya.His teasing me.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now